CHAPTER 6

55 4 0
                                    

Sapo-sapo ni Trix ang mukha niya habang nakaparada sa gilid ng isang mahabang bridge ang motorsiklo niya.

He wants to go to Leo's cold body earlier but he stopped his self. Mas lalo lang magkakagulo kung pupuntahan niya ang bangkay ng kaibigan niya.

Leo is his best friend. A partner in crime. Kaya masakit para sa kanya ang nangyari.

Si Leo lang ang bukod tanging tumanggap sa ugali niya, ang bukod tanging umintindi sa kanya na hindi kayang intindihin ng iba. Kaya masakit para sa kanya na makitang wala nang buhay ang itinuring niyang kaibigan at kapatid.

Nakahawak lang sa tanging harang sa bridge si Trix habang panay ang hinga niya ng malalim.

Tila bumalik ang panahong nawalan siya ng mahal sa buhay. Parang bumalik ang sakit na matagal na niyang binura sa puso niya.

Puno man ng kasamaan ang puso niya ay hindi naiwasang kumawala ang luhang kanina niya pa pinipigil. Humigpit ang kapit niya sa hawakan habang nakayuko at nakapikit ang mga mata.

Bigla ay isang alaala ang bumalik sa isipan niya.

"Trix..."

Napatingin si Trix kay Leo na bigla nalang tinawag ang pangalan niya. Nasa tahimik na park sila ngayon kung saan ang tambayan nilang dalawa.

"Why?" He coldly asked then looked away.

"Can you do me a favor?"

Napatingin siya ulit kay Leo dahil tila nag-iba ang paraan ng pagsasalita nito. Nakatingin lang din sa kanya si Leo.

Kalaunan ay umiwas siya ng tingin at nagbuntong-hininga. "Ano?" Tanong niya sabay inom sa can beer na hawak niya.

"Ikaw na ang bahala kay Cassey kapag nawala ako."

Napako si Trix sa kinauupuan niya, natigil din ang pag-inom niya ng can beer. Hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ni Leo sa kanya.

"What the hell was that?" He asked with a hint of irritation in his voice.

Leo chuckled like he doesn't know too why he asked those things.

"I don't know too. Gusto ko lang na ikaw ang magbantay kay Cassey kapag nawala ako" ani Leo.

Trix tsked and drink his can beer.

"I'm not a babysitter. Asshole!" He said after he drinks.

Leo chuckled again then tapped his shoulder. "She's not a baby, Trix, though she's my baby."

Napaungot si Trix dahil sa kakornihan ng kaibigan niya. "Ewan ko sa 'yo, Leo. Manahimik ka ja'n."

Tumawa ng malakas si Leo hanggang sa tumigil ito at tinapik ulit ng balikat niya.

"Pero seriously, protektahan mo si Cassey kapag nawala ako. Ikaw na ang bahala sa kanya at 'wag mong hayaan na may manakit sa kanya" seryoso nitong saad kaya hindi siya nakapagsalita.

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila hanggang sa magbuntong hininga siya at kinuha ang isa pang can beer.

"Oh!" Sabay abot niya ng can beer kay Leo. "Inumin mo 'yan. Baka sakaling magising ka" dagdag niya.

Tumawa lang si Leo at tinanggap rin ang can beer na ininom niya at nanahimik.

Tila naging suntok sa buwan ang alaalang iyon ni Leo. Hindi man siya nangako pero malaki ang tiwala sa kanya ni Leo at hindi niya hahayaang masira ang tiwalang binigay nito sa kanya.

Tears Of Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon