CHAPTER 3

84 3 0
                                    

Nakaupo lang sina Trix at Leo sa isa sa mga upuan sa isang bar.

Nalaman ni Trix na sa isang bar nagtatrabaho ang lalaking pinamamanmanan sa kanila. Hindi bilang isang bartender or bouncer ang trabaho nito, kung 'di isang dancer.

Marami pang nalaman si Trix mula sa lalaki na nagngangalang Froy De Guzman. Isang dancer na ginagamit din ang katawan para kumita ng malaking pera.

"Siya na ba 'yon?" Pagkukumpirma ni Leo habang nakatingin sa isang lalaki na kapapasok lang ng bar.

"Oo" malamig na sagot ni Trix.

"Mamanmanan lang natin... Wait..." Natigil si Leo sa gustong sabihin ng makita ang kasunod nito.

"Si Chandice ba 'yong nakita ko?" Takang tanong niya. "Are they friends?"

Trix sighed and cross his arms. "Based on what I've searched, they are friends since elementary" he said.

"Boss should know this---"

"No" Trix immediately said.

"What?"

Trix smirked while looking at Chandice and Froy talking. "Isn't it interesting that Mr. Ross will know that his only daughter being friend by the mistress of his wife by himself?"

Napailing-iling nalang si Leo at tinignan rin si Froy na nagpaalam na kay Chandice.

Hindi kaagad makikita ang pwesto nila ni Trix dahil bukod na nasa dulo sila ay madilim pa ang napili nila.

Hindi niya pinapansin ang mga babaeng sumasayaw sa maliit na stage ng bar dahil hindi niya magagawang tumingin sa iba kung meron na namang nagpapasaya sa kanya. May mga lalaki ding sumasayaw pero iilan lang.

He just keep on eyeing Froy who's now going up to the second floor. It's the VIP rooms.

Tinignan niya si Trix at nakatingin ito sa ibang gawi kaya tinignan niya rin ang tinitignan nito. Duon niya nakita si Chandice kasama ang dalawang lalaki at dalawang babae habang nagtatawanan at parang tinutukso si Chandice sa lalaking sumasayaw.

"Froy is our target, not Chandice" Leo said but Trix smirked.

"Why I got this feeling that they are connected together with that man?" Trix said while still looking at Chandice.

Napatingin ulit si Leo kay Chandice at nakita niya na hinihila na ito ng lalaki patungong second floor.

"Seems like that man will do something nasty to our boss' only daughter" Trix said with a playful smile on his lips.

Minsan talaga ay hindi maintindihan ni Leo ang takbo ng utak ni Trix. Ni hindi niya rin ito maintindihan o masabihan.

"Froy is our business here, Trix. 'Wag mo nang pakialaman ang buhay ni Chandice."

"I know. I just want to know something" Trix said.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya ng tumayo ito.

"C.R" Trix only said then leave their table.

Napabuntong-hininga nalang si Leo habang nakasandal sa inuupuan niya. Hindi niya rin magawang uminom dahil baka malasing siya.

Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Trix sa p'westo nila. Wala silang ginawa kung 'di ang manmanan si Froy sa loob ng bar. Hindi rin ito nagperform at parang may ginawa lang na kung ano sa second floor.

Nang makitang lumabas si Froy ay mabilis siyang tumayo.

"Hey! Aren't you going to stand up?" He asked.

"Follow him if you want. I'll just watch Chandice" Trix said.

Napailing-iling nalang si Leo. "Bahala ka" saka siya lumabas ng bar.

Tears Of Pain (COMPLETED)Where stories live. Discover now