CHAPTER 5

66 7 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas pero parang kahapon lang para kay Cassey ang nangyaring proposal sa kanya ni Leo.

Parehas silang walang pasok ngayon ni Leo kaya may oras na naman sila sa isa't isa.

"Ano? Okay na ba ang gagamitin mo, Cassey!?" Pasigaw na tanong ni Leo dahil nasa C.R ito.

"Oo. Handa na!" balik sigaw niya.

In just a seconds, Leo come out from the bathroom and smile at her, so she smile back.

"Dito ka na" aniya at tinapik pa ang uupuan nito.

She's going to do a hair color to Leo since Leo wants it. Hindi naman siya nagtatrabaho sa salon dati pero may alam naman siya kung paano gawin.

"Galingan mo, ah" ani Leo habang nakangiti.

"Sira. Kukulayan lang naman kita, hindi naman kita aayusan" aniya na hinaluan ng tawa.

Leo just let out a short laughed.

This is the difference between Leo and Trix. Leo knows how to be a good one while Trix remain on what he is. He never change a bit.

Inumpisahan na ni Cassey ang pagkulay kay Leo habang nakangiti lang si Leo.

He never thought that he will find a girl like Cassey. Bibihira nalang kasi ang mga babaeng kagaya nito na kayang tanggapin kung sino at ano man siya.

"Cassey..." Pagtawag niya kay Cassey na busy pa rin sa pagkulay sa kanya.

"Hmm?" Cassey just hummed while focusing on what she was doing.

"Ayaw mo ba talagang magpaopera ng mas maaga?" Tanong niya.

Sandaling napatigil si Cassey sa ginagawa niya pero kalaunan ay tipid na ngumiti.

"Ayokong madaliin ang lahat ng bagay, Leo. May tamang araw para ja'n" tanging sagot ni Cassey.

"Alam ko na naman ang isasagot mo sa itatanong ko... pero ayaw mo ba talagang gamitin ang perang ibibigay ko? Mas maganda na may maitabi ka sa nakukuha mong s'weldo" ani Leo.

"May naitatabi naman ako... Hindi nga lang gano'n kalaki" dahilan ni Cassey. "Hayaan mo nalang ako, Leo. Darating ang tamang panahon para sa operasyon ko. Hindi ko naman siya minamadali at marami pang proseso para maoperahan ako."

"Pero nakausap mo na naman ang doctor na mag-o-opera sa 'yo, 'di ba?"

Napatigil si Cassey sa ginagawa dahil sa sinabi ni Leo. Hindi niya binabanggit kay Leo na may kausap na siyang doctor na mag-o-opera sa kan'ya dahil ayaw niyang pilitin siya ni Leo na gamitin ang pera nito. Kaya nagulat nalang siya na alam nito ang tungkol doon.

Magtatanong na sana siya kung paano nito nalaman ng magsalita ito.

"Alam mo ang trabaho ko, Cassey. Lahat ng gusto naming malaman ay nakukuha namin ng isang iglap lang" ani Leo at napabuntong hininga bago hinarap si Cassey. "Hindi ko sinabi sa 'yo na alam ko dahil alam kong ayaw mong kulitin kita tungkol sa gastos na mangyayari. Nag-aalala lang naman ako sa 'yo. Hindi natin alam kung hanggang saan ang buhay natin. Hindi natin alam baka isang araw mamatay nalang ako---"

"Leo..." Pagsingit niya rito. Hindi niya gusto ang mga naririnig niya.

Ngumiti si Leo sa kanya at hinawakan ang braso niya kahit na nakaupo ito. "Hindi natin hawak ang mga buhay natin, Cassey. Anytime, pwede tayong mawala, pwede tayong mamatay."

Napayuko si Cassey dahil ayaw niyang mangyari iyon kahit na imposible.

"Tumingin ka sa 'kin, Cassey."

Tears Of Pain (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora