30 | Arabella

110 9 1
                                    

Arabella's POV

ISANG MALAKING PAGKAKAMALI na hinayaan kong magsalita ang aking sarili noong galit at nasasaktan ako. Hindi dapat ako nagpatalo sa aking emosyon, nasaktan ko tuloy ang aking kaibigan.

Kung maaari lamang na bawiin ko ang lahat ng nasabi sa kaniya ay matagal ko nang ginawa...ngunit ang salitang nabitawan na ay hinding-hindi na maibabalik pa sa bibig.

Gusto ko lang namang maging maayos na. Nakakapagod magkaroon ng wasak na puso, nakakapagod ang palagi namang malungkot...nakakapagod masaktan.

Mali bang ikubli ko ang hinanakit gamit ang aking ngiti?

Mali bang gustuhin kong kalimutan na lamang ang lahat?

Mali bang magpanggap na ayos lang ako?

Siguro nga gusto lang ni Alessa na maging totoo ako sa sarili ko. Pero paano kung ang katotohanan ay parang patalim na mas nagpapalalim ng sugat sa aking puso? Mas gugustuhin kong tapalan ito nang tapalan ng gasa kaysa panoorin itong magdugo.

NAGING ABALA KAMING mga class officers dahil nalalapit na ang Christmas Party. Maraming guro ang nagpa-proyekto ng may kinalaman sa Pasko tulad na lamang ng pangkatang gawain na advent wreath. Si Miss Hizon, ang adviser ng Archimedes, ay inatasan kaming lagyan ng dekorasyon ang aming classroom ngunit recycled materials lamang ang gagamitin.

"Pakiputol ninyo 'yung mga 1.5 na plastic bottles ng ganito..." sabi ko at ipinakita ang sample na galing sa kabilang section. "Tapos pagsama-samahin ninyo 'yung mga mapuputol, ibigay kina Arthur para mapinturahan nila."

"Yes, Boss Ara!"

"May pa-meryenda ba diyan, Pres?"

Piningot ako ang tainga ni Warren. "Alam mo ikaw, wala ka pa ngang nasisimulan...meryenda kaagad nasa isip mo? Gumawa ka muna."

Nilapitan ko ang nasa bandang unahan na si Erald. Himalang tumutulong ang bangungot na 'to...pero sa totoo lang, para talaga siyang nagbabago. Hindi ko maalala kung kailan nagsimula pero unti-unti na niyang ginagampanan ang mga tungkulin niya sa klase. Maingay pa rin naman siya at makulos at mayabang din, pero mas responsible na siya ngayon.

Siguro dahil malapit na kaming magtapos ng Grade 10? Hindi ko rin alam.

"Gusto mo talaga akong tunawin sa titig mo 'no, Lola? Buti na lang talaga hindi ako ice cream."

Napailing-iling ako. "Diyosko, tigilan mo nga ako sa ice cream ice cream na 'yan. Paulit-ulit ka na lang ng joke, wala na bang iba?"

"Ay sus..." Ngumisi ang bangungot. "Kinikilig ka lang e. Ayaw pang umamin ni Lola."

"Engot ka ba? Bakit naman ako kikiligin sa 'yo?" nandiriring sagot ko.

Naupo na ako sa kaniyang tabi upang tulungan siya sa pagtutupi ng mga dyaryo na gagamitin din sa iba pang parol. Iba-ibang recycled materials kasi ang gagamitin namin, hindi lang mga plastic.

Nang matapos ako sa ginagawa ay tumayo ako upang tignan ang natapos na mga parol ng ilan sa aking mga kaklase. Ngunit ang napansin ko ay si Alessa...nakaupo lamang siya habang nakikinig ng music. Nilapitan ko siya at sinabihang tumulong ngunit ni hindi man lang niya ako pinakinggan.

Ilang beses ko nang sinubukang kausapin si Alessa. Simula noong makasal ang kaniyang Tatay ay para na naman siyang bumalik sa kung sino siya noong bagong lipat sa Veles High. O mas malala pa nga yata.

Palagi na siyang huli dumating sa klase. Halata mong masakit ang ulo at malamang ay uminom ng alak sa gabi. Madalas din siyang mawala sa klase at ilang detention slip na ang nakuha niya dahil sa cutting classes.

Contrasting Colors (Veles High Series #2)Where stories live. Discover now