6 | Arabella

200 15 5
                                    

Arabella’s POV

“ATE ARA, SINO pong susundo sa akin mamaya?”

Yumuko ako upang magpantay ang aming mga mata. Grade two pa lang kasi si Raya kaya hindi pa siya ganoon katangkad. Pero sobrang cute ng kapatid ko, lalo na ngayong itinali ko ang buhok niya ng pigtails. Suot niya na rin ang bag niyang may disenyong Frozen.

Inayos ko ang ribbon ng kaniyang maliit na blouse. “Raya, sasabay ka muna ulit kay Aling Esme kapag sinundo niya si Joshua. Tapos doon ka muna sa bahay nila Aling Esme. Alas kwatro pa kasi ang uwi ko kaya hindi kita masusundo. Ibibili ka na lang ng pasalubong ni Ate, ayos ba?”

“Gusto ko lollipop! ‘Yung pink, Ate!”

Tumango ako at ngumiti. “Sige, bibilhan ka ni ate ng lollipop na kulay pink. Basta makikinig ka sa teacher ha, huwag magpapasaway.”

“Gusto ko po madaming madaming madaming lollipop!”

Natawa naman ako sa sinabi ni Raya. Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid ko na siya papunta sa kanilang classroom. Nakiusap ako sa teacher niya na tignan-tignan si Raya tuwing tanghalian, hindi ko kasi siya mababantayan dahil mas maaga ang lunch time nila. 

Nilakad ko na lang papunta sa Veles High dahil medyo malapit lang naman. Sayang kasi kung sasakay pa ako ng jeep, maipambibili ko na ‘yun ng tinapay. Maaga-aga pa ako ng tatlumpung minuto nang marating ko ang classroom ng Archimedes.

Medyo magulo ang mga upuan at may iilang kalat sa sahig pagkarating ko. Wala pa kasing grupo ng mga cleaners kaya pinakiusapan ko lang kahapon na maglinis ang lahat. Hindi ko sila nabantayang maglinis dahil pinatawag ako sa faculty room.

Pero teka nga, hindi ba’t sinabihan ko si Erald na siguraduhing malinis ang classroom namin dahil siya ang Vice President? Huwag mong sabihing…tumakas din siya sa paglilinis?

Alam kong magbubunganga si Miss Hizon kapag naabutan niyang ganito ang itsura ng room. Kaya nga siya tinawag na Dragona ay dahil sa walang tigil niyang panenermon, parang dragon kung magalit.

Kaya para maiwasan iyon, kinuha ko na ang walis at dustpan. Sinimulan kong linisan ang unahan upang hindi mapansin ni Miss Hizon, tapos inayos ko na ang mga upuan dahil hindi ito pantay-pantay. May pagka-matang lawin pa naman ang adviser namin, lahat nakikita niya ultimo kasulok-sulukan.

“Ang sipag naman talaga ni Lola Ara!”

Pagkarinig ko ng boses na ‘yon ay agad akong nainis. Ayan na pala ang Vice President namin na hindi ginawa ang ibinilin kong trabaho. Kumuha ako ng isa pang walis at inabot sa kaniya, “Kung ginagawa mo kasi nang maayos ang trabaho mo bilang Vice, edi sana hindi ako maglilinis nang ganito kaaga.”

Kinuha niya ang walis sa akin sabay ginulo ang buhok ko. “Lola, huwag ka nang ma-badtrip. Baka mamaya atakihin ka sa puso niyan.”

“Tigilan mo ako, Hernandez. Ikaw ang aatakihin ko nitong walis kung hindi ka mananahimik dyan,” sabay angat ko ng walis na hawak at akmang ipapalo sa kaniya.

Lumayo bigla si Erald. “Teka teka! Masakit ‘yan!”

“Maglinis ka na nga lang! Puro ka daldal,” singhal ko.

Nagsidatingan na ang mga kaklase namin bandang alas otso. Dahil ikalawang araw na ng pasok, nagsimula na rin ang mga lessons. Ang unang subject namin ay Araling Panlipunan, magsusulat na sana si Ma’am sa blackboard pero napigilan ng mga kaklase ko. Kaya ayun, nauwi sa kwentuhan.

Pangalawang subject na namin noong dumating si Alessa. Nakuha na naman niya ang atensyon namin dahil sa suot niya—pulang crop top blouse at asul na ripped jeans. Para na naman siyang supermodel sa kulay itim niyang boots. Nakakamangha talagang tignan siya.

Contrasting Colors (Veles High Series #2)Where stories live. Discover now