Prologue

1.3K 30 0
                                    

"Love! I have something important to show you."

Napalingon ako sa kaniya ng bigla niya akong tinawag. Lumapit ako sa kaniya, hinawakan niya ako sa bewang at hinapit papalapit sa kaniya.

"Ano na naman 'yon? Baka kung ano-ano 'yan, ah."

Mahilig kasi siyang magpakita sa 'kin ng kung ano-ano madalas naman ay sinusurprise niya ako, actually hobby niya na 'yon, kaya nasanay na rin ako.

"It's something that I prepared for how many days," he said at humalik pa siya sa noo ko.

Napapikit ako at sabay na ngumiti. Ang sweet niya talaga kahit kailan.

"Tara na nga at ng makita ko na 'yan," sabi ko sa kaniya at may excitement ang tono ng bosses ko. Gusto ko na rin kasi na makita yung sinasabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa may dagat. Nandito ba ang ipapakita niya sa 'kin? Kaya dinala niya ako dito sa dagat. Huminto kaming dalawa dito, napatingin ako sa araw. Papalubog na ang araw ngayon, kaya ang ganda ng kalangitan.

"Nasaan na?" Tanong ko.

Wala naman akong makita na mahalaga dito na katulad na sinasabi niya sa akin, kaya nga ako sumama sa kaniya dahil may ipapakita siyang mahalaga sa akin.

"Just look at the sun, love."

Kahit na nalilito ako ay sumunod naman ako at tumingin sa araw na unting-unti ng lumulubog. Ang ganda pala pagmasdan ang araw tuwing lumulubog na ito, hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang araw.

"Love..."

Lumingon ako sa kaniya na hindi pa rin nabubura ang ngiti ko sa labi. Unting-unti lang ito nawala at napalitan ng pagbuka ng bibig ko. Nakaluhod siya sa harapan ko at may hawak-hawak siyang... Ring? A diamond ring.

Napakurap-kurap ako kung tama ba ang nakikita ko ngayon. "Love... B-bakit may hawak kang singsing?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

He smiled at me pero may kaba siyang nararamdaman.

"I know this is too fast for you, but I don't want you to be my girlfriend anymore once na bumalik tayo sa manila. I want you to be my fiance and my wife. I also want to see my last name attached to your name, love. You are the only one I want to be with for the rest of my life, you are the only one who will be the mother of my children and be with me to build a family. You are the only one I see that I can be for the rest of my life, love. Please, marry me... Will you marry me?"

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now