13

522 17 0
                                    

"Sana may sahod rin na makukuha kapag nakatulala ka lang during work time."

Napabalik ako sa sarili dahil sa boses ni Clarice. I saw them look at me na para nagtataka sila kung bakit ako nakatulala.

"Ang saya mo, May lovelife kana ulit?" interesadong tanong ni Margaux sa 'kin.

Binalingan ko nang tingin si Margaux. 

"Por que masaya lang may lovelife na agad? Hindi ba pwedeng masaya lang na walang dahilan," wika ko.

Napaisip naman si Margaux. Sana all may isip.

"Kung wala naman pa lang dahilan, kung gano'n nababaliw kana?!" Nanlaki pa ang dalawang mata ni Margaux.

Napa-poker face na lang ako sa babaeng ito. Tingin niya sa 'kin? Nababaliw na.

"Talaga ba?" sakrastikong saad ko kay Margaux.

"Hindi ba?" patanong niya.

"Alam mo, Margaux. May bagong 'bebe' 'yan si Stephanie kaya masaya," dagdag naman ni Clarice.

Hindi ko alam kung bakit nakatingin ang tatlong ito sa akin ngayon, gayong oras ng trabaho pero ako ang binibigyan nila nang pansin.

"Lately kasi napapansin ko ang saya-saya ni Stephanie, 'yong para bang may nagpapasaya sa kaniya like me. Pinapasaya ako palagi ni Demsol mylabs," sabi ni Marguax at talagang siningit niya pa talaga si Demsol.

Kinalabit ko si Marguax dahil nagde-day dream na si Ate girl.

"Back to work na," sabi ko sa kanila.

"Basta feel ko may boyfriend si Steph," habol pa na saad ni Marguax bago lisanin ang harapan ko.

Bumalik sila sa table nila. Ewan ko ba kung bakit napunta ang dalawang 'yon sa harapan ko. Si Vianco naman ay pina-slide niya lang ang kanyang upuan, upang bumalik sa pwesto niya. Napaikot na lang ako nang mata nang makabalik na ang tatlong 'yon sa pwesto nila, at saka ako bumalik sa gawain ko. 

Madalas na nilang napansin na palagi akong nakangiti na dati pa naman, pero ang sabi nila ay hindi gano'n ang ngiti ko noon, na para ba daw may ibigsabihin ang bawat pag-ngiti ko. Gumagawa na lang ako nang reason para manahimik na ang mga 'yon.

Normalize blamming kay Jeric Villa, dahil panay ang pag-eksena niya isip ko na pati sa trabaho ko ay pumapasok rin siya. Napagkakamalan tuloy akong baliw dahil sa kaniya. Iniling ko na lang ang ulo at saka ako nagpokus muli sa trabaho ko. About sa market this month.

"Ms. Stephanie Miranda."

Napahinto ako sa pagta-type nang marinig ko ang buo kong pangalan. Napabaling ako at doon ko nakita si Irish na may dala-dala na boquet od red roses at isang branded na chocholate. Valentines ba ngayon? October pa lang at malayo pa ang valentines. Lumakad papalapit sa 'kin si Irish na may pang-asar na tingin. Don't tell me, akin 'yang dala-dala ni Irish? 

"Bakit?" tanong ko sa kaniya nang hindi matanggal ang paningin ko sa bitbit niya.

"Para sa 'yo may nagpapabigay." 

Sabay lahad niya sa harapan ko ng hawak-hawak niya. Confirm para sa 'kin nga. Ramdam ko ang mga mata ng mga kasamahan ko dito. Nagtataka ko na lang kinuha mula kay Irish 'yung bulaklak at chocolate

"Kanino galing, Irish?" tanong ko at inamoy ko pa ang mga pulang rosas na bulaklak.

Kung kanino man galing ang mga ito ay napangiti niya ako at alam niya kung ano ang paborito ko. Hindi ko matanggal ang ngiti ko sa labi habang inaamoy ang mga bulaklak, nandoon pa rin pala ang pagkahilig ko sa red roses. Napapangiti pa rin nila ako. 

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now