2

568 13 1
                                    

"Sahod, cutie! Come to my ATM now!"

Pinagdikit ko pa ang dalawa kong palad at tumingin sa kalangitan upang hilingin ang munti kong dalangin. It's sahod time! Hihintayin ko na lang na may magnotification sa cellphone na pumasok na ang sahod ko.

"Itaas mo na rin ang isa mong paa, Stephanie. Tapos galaw-galaw ka," sabi ni Clarice at narinig ko pa ang mahinang tawa nila.

Dumilat ako at tsaka ako tumingin sa kanila. Akala ba nila papauto ako sa kanila. Hindi 'no!

"Hindi ako uto-uto." 

Akala yata ng mga apat na ito ay mauuto nila ako. Hindi ako mamauto sa apat na ito dahil baka magpakain pa ang apat na ito, once na mauto nila ako. Kinuha ko ang heels ko upang suotin ngayon sa pagpasok sa office. Black crop top and skirt ang suot-suot ko ngayon may blazer na white naman ako na susuotin ko, once na nandoon na kami sa office.

"Nakapag-reserve na ako kahapon ng table para sa atin, kaya sure na hindi tayo mawawalan ng table once na makarating na tayo doon sa bar," sabi ni Vianco.

"Deritso na tayo doon pagkagaling sa trabaho," sabi ko.

"Kaya nga ganyan na ang suot mo dahil wala ng balak na umuwi at deritso na agad sa bar," saad ni Margaux.

"Well, I am ready lang at serbisyong totoo lamang."

"Kakabahan na ba sa'yo 'yong weather caster sa TV? Baka palitan mo pa," wika ni Clarice. 

"Imbes na pagbabalita ng panahon ang atupagin ni Stephanie doon, baka mangolekta lang 'yan," kantiyaw ni Vianco.

Matalim akong kay Vianco dahil sa sinabi niya, akala yata nito palagi akong mangongolekta. Marunong akong ng salitang limit kaya alam ko kung saan ako titigil at kung saan lang ako. Tinawanan lang ako ni Vianco at pumasok na kami sa department namin habang si Irish naman ay pumunta na sa office niya sa taas.

Napatigin ako sa table at may bulaklak doon. Kanino naman kaya galing ito? Kinuha ko ang bulaklak na nasa ibabaw ng table ko. Inamoy ko ito at mabango naman kaso hindi lang talaga bagay sa table ko ang bulaklak na ito, wala naman kasi ako sa hospital para bigyan ako ng bulaklak. 

"Nice! May bago ka na naman, girl," rinig kong sabi ni Vianco sa tabi ko.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siya na nakatingin rin sa bulaklak na hawak-hawak ko. 

"Gusto mo?" 

Bumaling siya sa 'kin. "Anong gagawin ko dyan? Sa 'yo 'yan kaya iyo na lang." Tsaka siya pumunta sa table niya.

Tumingin ulit ako sa bulaklak na hawak-hawak ko. Hinanap ko kung may nakalagay bang letter para malaman ko kung kaninong galing ang bulaklak na ito. Nakita ko ang isa sticky note na nakalagay dito, kinuha ko 'yon at binasa kung ano ang nakalagay. 

"Good day, Stephanie! Para sa 'yo nga pala ang bulaklak na 'yan, sorry kung hindi ko personal na binigay sa 'yo. Nahihiya kasi ako na lumapit sa'yo, pero tawagan mo lang ako sa number na nakalagay sa baba.

 099*******8

 -Jerome."

Natawa na lang ako dahil nag-iwan pa talaga siyang number sa notes niya as if naman na tatawagan ko siya. Ibinaba ko na lang bulaklak na hawak-hawak ko sa gilid, kailangan ko ng mag-trabaho at baka hindi pa ako sahuran ni Mr. Demsol. Binuksan ko ang computer ko upang magsimula na sa trabaho.

"Stephanie, paki bigay naman ito kay Mr. Demsol," rinig kong sabi ni Manager Janice.

Inangat ko ang ulo ko upang tignan si Manager Janice at may inaabot sa akin na folder upang ibigay kay Mr. Demsol.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon