12

588 15 5
                                    

"Ang ganda yata nang ngiti natin, Margaux. May nangyari bang maganda habang nasa yatch kayo ni Sir?"

Napapansin ko lang na ang ganda ng ngiti ni Margaux, ang blooming pa ng kanyang mukha. Nalaman kasi namin na sinama siya ni Demsol doon sa yacht, hindi nga lang namin alam kung bakit. Ilang araw rin sila magkasama na dalawa.

"Ang dami mo namang napapansin, Step," sabi niya.

"Sus, ayaw magkwento nang Ate niyo Margaux," pang-aasar ko pa.

"Private na kasi 'yon, teh," sabi ni Clarice.

"Chismossa mo, Stephanie," sabi naman ni Irish.

Okay pinagtutulungan na po nila ako ngayon.

"Gusto niyo rin naman malaman, pa-eme pa kayo."

Akala yata ng mga ito hindi ko sila kilala. Ilang taon na rin tayo na magkakasama kaya kilala ko na ang mga ito.

"Kakatanong mo dyan kay Margaux, Stephanie. Samahan mo na lang ako," sabi ni Vianco at hinila niya ako patayo mula sa pagkakaupo ko.

"Saan ba tayo pupunta, ah?" tanong ko sa kaniya.

"May i-meet lang tayo," sabi niya.

"Ime-meet niyo 'yong bebe niya," sabi ni Clarice.

"Iinggitin ka niya Step, kasi siya may bebe ikaw wala," pahabol ni Irish.

"Sure?" patanong ko sa kaniya at tumawa lang.

Kinuha ko na muna ang wallet ko pati na rin ang cellphone ko at saka ko niyaya na si Vianco na umalis na. May ilang minuto pa naman kami bago bumalik sa company. Naglalakad kaming dalawa. Sumusunod lang ako sa kaniya dahil siya lang naman ang may alam kung saan kami pupunta na dalawa.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa cellphone nang bigla itong tumunog. Pinindot ko ang gilid ng cellphone upang bumakas and I enter my cellphone's password. Napangiti na lang ako habang naglalakad nang malaman kung sino ang nag-text sa'kin at nireplyan ko agad siya.

"Napapansin ko lang madalas kang nakangiti habang nakatingin sa cellphone mo."

Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at maangan akong napatangin kay Vianco nang bigla na lang magsalita.

"Ano?"

"Do you have a boyfriend, Stephanie?" he asked.

"Wala," sagot ko sabay iling.

"Then, nababaliw ka lang pala kaya ka panay ngiti mo dyan sa cellphone mo," sabi niya at binalingan niya pa ang cellphone ko.

"Hars mo naman, 'te! Baliw na ba agad?" 

Grabe talaga siya minsan, panget ka-bounding ng isang ito.

"Okay... Then, you have already a boyfriend. Kilala kita, Stephanie. Hindi ka naman ngingiti nang walang dahilan," sabi pa niya.

Boyfriend? I don't know...

"Wala nga, promise," sabi ko.

Tinitigan niya pa ako bago bumaling ulit ang tingin niya sa daan. Nakahinga ako nang malalim dahil hindi na siya muling nagtanong kung bakit ako ngiti ng ngiti habang nakatingin sa cellphone ko. Napapansin niya pala na panay ang ngiti ko, akala ko walang nakakapansin dahil may sari-sarili kaming ginagawa.

Pumasok kaming sa isang mahahaling restaurant. Sinusundan ko lang si Vianco kung saan kami pupunta at nakita ko na may biglang kumuway sa direction namin, sinigurado ko pa kung kami nga ang kinakawayan ng lalaking. Tumingin ako sa likuran ko at wala namang nakasunod sa amin kaya kami nga ang kinakawayan 'nong lalaki.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now