18

292 6 3
                                    

"Magbati na kasi kayo!"

Hinatak-hatak pa ni Margaux ang kamay ko kahit na magkatabi lamang kami sa upuan. Break time namin at katulad ng nakasanayam ay nandito kami sa favorite spot namin, tuwing break time.

Napatingin ako kay Vianco na tahimik lang umiinom nang kape niya.

Ilang araw ang nakalipas mula nang magsagutan kaming dalawa. Naging ilag ako sa kanya at alam ko na ramdam nya 'yon, kaya minsan ay hindi siya natutulog sa apartment namin para lamg iwasan ako.

Hindi naman mataas ang pride ko sa mga kaibigan ko pero nahihiya talaga ako kay Vianco. Sa tuwing na titignan niya ako ay para bang wala lang sa kanya ang nangyari.

"Maawa ka naman sa kamay ko, Margaux. Baka kasi maputol," sambit ko at inalis ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Magbati na kasi kayo," ani ni Clarice,"ang boring kaya paghindi kayo nag-iingay na dalawa."

"Agree! Kaya magbati na kayo." Todo ang pilit ni Margaux na magbati kaming dalawa.

"Kayo na nga lang ang magkamukha, nag-away pa kayo," sabi ni Irish na nakakuha nang attention namin.

Humalakhak sina Clarice, Margaux, at Irish sa sinabi niya, habang kami ni Vianco ay hindi makapaniwala sa narinig namin.

"Mas maganda naman ako kay Stephanie." Naunang umapela si Vianco.

"Kapal, ah." Tumingin pa ako sa kanya. "FYI, mas maganda ako sayo. Pumapangalawa ka lang." sabi ko na hindi tinatanggap ang sinabi niya.

Binalingan ako nang tingin ni Vianco na may hindi pag sang-ayon na reaksyon. Magtatalo na naman kaming dalawa kung sino ang mas maganda sa amin.

"Talaga ba? Dumikit ka lang sa akin, alam na kung sino ang amo at ang katulong. Ako ang amo at ikaw ang katulong," confident niyang sabi sa mukha ko.

Napataas ako nang kilay sa sinabi niya. Ako katulong? Baliktad yata!

"Sinasabi mo bang hindi ako maganda, ah?"

Nginitian lang ako ni Vianco, halatang natutuwa siya na asarin na naman ako.

"Well? Maganda ka naman, Steph. Pero sadyang mas lamang talaga ang ganda ko."

Mataas talaga ang confident nito sa sarili niya.

"Eh, kung hatakin ko kaya ang buhok mo?" banta ko.

Nagtaas baba lang siya nang kilay sa akin at hindi natakot sa banta ko. I clicked my tongue and rolled my eyes at him.

"Okay, bati na sila," sabi ni Clarice.

"Nagtatalo na nga kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa," ani ni Irish.

Natawa lang kaming ni Vianco. Hindi naman namin kailangan magtalo ni Vianco dahil may kanya-kanya kaming ganda, kaya no need na rin.

"But Margaux is more beautiful than me," hirit niya pa na ikatawa ko na.

Halos mabuga ko ang iniinom kong ice tea sa sinabi niya. Napahalakhak ako habang kumukuha nang tissue sa bag ko.

"Grabe ka naman makatawa, Steph," sabi ni Margaux," hindi ka yata naniniwala na maganda rin ako."

"Hindi talaga siya naniniwala, Margaux," gatong pa ni Irish.

"Nope, may dahilan ako kaya tumatawa ako at hindi 'yon dahil sa hindi ako naniniwala na maganda si Margaux," paglilinaw ko.

Tinignan ko pa si Vianco na nakatingin na rin sa akin na walang reaksyon na mukha.

"Anong dahilan naman 'yan, Steph?" tanong ni Margaux.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin