21.

162 4 1
                                    

Panibagong araw ngunit para sa akin ay gano'n pa rin. Wala pa rin pagbabago, palagi pa rin akong nasasaktan.

Ibinalik ko ang sarili ko sa dati na ang tingin sa akin ay isang easy to get na babae. I also wear my fake happy smile, na madalas kong ipakita sa mga tao na nakikipag-usap sa akin.

Sino ba ang may paki kung may pinagdadaraanan ako? Wala naman, baka imbes na damayan ako. Sabihan pa akong nag-iinarte sa harapan nila. I just keep it to myself.

"Ano 'tong nababalitaan namin na may date ka daw, Stephanie?"

"Chismiss lang 'yon," sagot ko, malay ko ba kung sino na naman nagsabi sa kanila.

"Nakita raw kayo no'ng isang araw sa may mall, nakaholding hands pa," sabi ni Margaux, na isa sa mga nakapulot ng chismiss sa tabi-tabi.

"Teka?" Pigil ko sa kanila. Ano na naman bang sinasabi nila na hindi ako aware? "Sino ba source niyo? At mali-mali ang sinasabi sa inyo."

Ako makiki-pagholding hands sa mall? Swerte naman no'n! Tapos mali-mali pa yung chismiss na nasasagap nila. Nihindi nga ako umaalis ng apartment kahapon pa, tapos may chismiss agad tungkol sa akin.

Iba talaga pag pangalan mo is Stephanie Miranda. Nakakabit na may chismiss sayo.

"Yung mga basher article mo. Pinagchi-chismissan ka nila," sabi ni Vianco.

Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko ng ice cream. Yung mga 'yon talaga hindi na nagbago, kulang na lang gumawa sila ng website tapos doon nila ikalat ang daily life ko. Tignan lang natin kung kikita sila.

Hindi naman ako sikat, hindi rin artista. Mga kaibigan ko lang ang artista at hindi ako, kaya tigilan nila ako.

"Pero totoo. Ngayon ka na lang namin nakita na nakikipagdate na naman. Akala nga namin nagbabago ka na," sabi ni Clarice na tinawan ko.

"Sabi nga ni Anne Curtis sa palabas niya sa the gifted. People never change. Science tells us." Ginaya ko pa kung papaano sabihin ni Anne Curtis 'yon.

"Hay! Kailan kaya dating ang para kay Stephanie," sabi ni Margaux, na para bang humihiling sa langit na dumating na ang para sa akin.

Umiling lang ako at ngumiti ng maliit.

Gusto kong sabihin na dumating na 'yung para sa akin, sadyang nagpatuloy lang talaga para lagpasan ako. Ang sarap sabihin na nagkaroon ako nang magandang relasyon sa loob ng ilang taon. Pure love and happiness.

"Bat ba ako ang topic?" tanong ko. Kanina pa ako binubunot ng tatlong to'. Sila naman kaya. "Bakit kayo ni Sir, Margaux? Gumagalaw na ba?"

Lately, ko rin napapansin na magkasama ang dalawang 'yon. Minsan pa nga na aabutan ko si Demsol sa labas ng apartment namin na hinatid si Margaux. Sadyang hindi ko lang talaga sinasabi kay Margaux.

"Huwag ka, lumalayag na 'yan," sabi ni Clarice, na mukhang napapansin rin.

Nakita ko kung papaano namula ang pisngi ni Margaux. Gagi! Inlove na in love to' kay Demsol. Papaano naman kaya yung isa?

"Now playing. Paano by Zack Trubillo." Sabay tingin kay Vianco na biglang tumahimik sa gilid.

Sinamaan niya lang ako ng tingin na akala mo naman mage-gets nila Clarice yung sinasabi ko. Hindi naman.

Inubos namin yung oras namin sa pagchi-chikahan, pagkatapos no'n ay bumalik na kami sa office, upang ipagpatuloy yung mga trabaho namin.

Naisip ko lang, kahit papaano pala nababawasan yung lungkot na nararamdaman ko tuwing kasama ko sila. Para bang nakakalimutan ko lahat. Lahat nang nangyari sa akin. This past few months.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon