9

358 13 0
                                    

"Kaya pala hindi ka pumapasok nang dalawang araw dahil namamaga naman pala ang kamay mo."

Nakatitingin kaming lahat sa kamay ni Margaux na namamaga. Dalawang araw na kasi siyang absent, kaya pala masama ang pakiramdam niya dahil namamaga pala ang kamay niya.

"Bakit namaga 'yan, Margaux?" tanong ko sa kaniya.

Nabagsakan niya ba ang kamay niya kaya namaga ito? Nabagsakan niya siguro. Sinabi niya lang kanina na namamaga ang kamay niya pero nagpa-check up na siya kanina.

"Nabagsakan ko lang, pero okay na 'to," nakangiting sabi ni Margaux sa amin.

"Hey, next time be careful," paalala sa kaniya ni Vianco at may pagka-seryoso ang boses niya.

Ngumiti lang si Margaux kay Vianco at tumayo na rin upang makapagpahinga na sa kwarto. Kailangan niya talagang ipagpahinga ang kamay niya upang gumaling. Ano bang nanyari? Sino ang may gawa no'n kay Margaux kaya namaga ang kamay niya? Alam ko na nang sisinungaling lang si Margaux para hindi na namin siya matanong pa, umiiwas siya. Hindi naman kasi clumsy si Margaux kaya impossible na nabagsakan niya ang kamay niya, maniniwala pa ako kung si Clarice.

Nagpatuloy na kaming kumain na apat dahil nga sa tapos na si Margaux na kumain kaya nasa kwarto na upang makapagpahinga na siya. Natapos rin kami at ako naman ay nakaupo lang sa sofa, hinihintay na matapos si Irish sa cr at ako na ang susunod sa kaniya.

"Buti naman at hindi na siya nagte-text sa 'kin."

Nag-scroll lang ako sa socmed ko, baka kasi may news akong mabasa na pwedeng-pwede kong i-share kanila Clarice. Buhay na buhay pa naman ang mga 'yon pag-may chismiss.

"Mawalang galang na po, pwedeng lumayas ka na po dyan at kailangan ko nang mag-beauty rest," rinig kong sabi ni Vianco.

"Tanga, wala kang beauty," sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

Napabungisngis na lang ako dahil sa sinabi ko at maya-maya lang ay naramdaman ko na lang na umangat ang inupuan ko, kaya napatingin ako at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko na binuhat ni Vianco ang kabilang side. Napahawak ako upang hindi ako madulas.

"Gaga ka talaga! Kita mo nang busy ako dito," sabi ko sa kaniya.

"Shoo! Doon ka umupo malapit sa mesa at huwag dito dahil matutulog na ako," sabi niya at ginagalaw niya pa kaya napahawak talaga ako dahil sa ginagawa niya.

"Oo na! Huwag mo nang galawin, girl!"

Tumigil naman siya kaya tumayo na ako at sinamaan ko siya nang tingin dahil sa ginawa niya. Naglakad na lang ako malapit sa mesa at doon ako umupo, wala akong choice kung hindi umupo na lang dito.

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at nagpatulo lang ako sa pag-iiscroll, nang may napukaw ng attention ko. Nagtaka naman ako sa nabasa ko. Ikakasal na pala ang dalawang 'to? Divorce na pala siya sa asawa niya kaya papakasalan niya na si Jade.

"Vianco, kilala mo si Jade at Arthur?" Tumingin pa ako kay Vianco na nakatingin na pala sa 'kin. "Same naman tayo ng school kaya impossible na hindi mo kilala si Arthur... Si Arthur 'yong magaling kumanta tapos girlfriend niya si Jade, 'yong kinantahan niya sa school dahil anniversary nila, kaso lang naghiwalay kasi diba pumasok sa showbiz tapos nakapag-asawa nang kapwa niya artista."

"Oh? Tapos?"

"Gagi! Ikakasal na silang dalawa. Ang dami nilang pagsubok na dalawa, ah, pero tignan mo sila pa rin hanggang dulo. Meant to be talaga silang dalawa, girl! Sight na yata na maniwala na ako sa forever."

Kita mo naman na parang noon lang ay college lovers silang dalawa na nahiwalay, nagpakasal sa iba si Arthur tapos sa huli ay silang dalawa pala talaga para sa isa't-isa, kaso ang rupok ni Jade. Baka nga talaga na si Arthur talaga ang mahal niya, wala nang magagawa ang mga tao na paghiwalayin sila.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now