24

299 6 6
                                    

Ang sabi nila mas masakit raw pag-broken family, yung tipong hindi mo makakasama ang magulang mo dahil may sarili ng pamilya ang mga ito. But they didn't know na mas masakit ang mawalan, mas masakit pa oras na namatay ang isa sa magulang mo.

That's what I feel right now, habang bumabyahe ako pauwi sa bahay namin. Kahit na kahapon ko pa nalaman na wala na si Papa ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang Papa ko. Iniwan na naman ako ng isa sa mga taong mahalaga sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. It was Jeric, who was calling me right now.

"Hello."

"Are you home now?" he asked me, kung nasa bahay na ako.

"Hindi pa, nasa jeep pa lang ako. Pero malapit na."

"Damn! Dapat sinamahan na kita. I know that you are hurt right now."

Hindi ko siya kasama dahil na rin sa may kailangan siyang gawin sa business niya. Gusto man niyang samahan ay ako na ang tumanggi na huwag na siyang sumama.

Nang malaman ko kaagad na wala na si Papa ay tinawagan ko si Demsol para sabihin na kailangan kong mag-leave dahil uuwi ako. Pumayag naman siya ng malaman niya na namatay si Papa, kaya ngayon ay malapit na ako sa bahay.

"Huwag kang mag-alala, kaya ko naman sarili," sabi ko sa kanya.

"Don't worry, susundan kita pagkatapos ng trabaho ko."

"Huwag na, hintayin mo na lang ako na makauwi dyan," sabi ko sa kanya.

Ayoko rin na pumunta siya at baka makita siya ni Mama, hindi pa naman okay ang dalawang 'yon at baka mamaya ay magulat si Mama na kasama ko si Jeric, dahil alam niya na kinasal na ito kay Isabella at wala na kaming connection sa isa't-isa.

"Ibaba ko na nandito na ako," sabi ko nang matanaw ko ang lugar namin.

"Okay, call me. If something happens. I love you, love."

"Got it. I love you too."

Pinatay ko na yung tawag at tsaka ako pumara dahil dumaan na sa lugar namin. Bumaba na ako at tsaka ako naglakad papasok sa eskinita.

Habang naglalakad ako ay sobrang bigat ng nararamdaman ko, dahil siguro makikita ko si Papa na wala ng buhay at nakahiga na sa kabaong. Huminto pa ako ng matanaw ko ang bahay namin. Unting-unti kong naramdaman ang pangingilid ng luha ko, kahit na wala pa ako sa bahay.

"Kaya mo 'to, Steph," sabi ko sa sarili ko.

Sinubukan ko na humakbang ulit pero sadyang ang bigat-bigat ng paa ko na para bang ayaw kong ipagpatuloy na lumakad at makarating sa bahay namin. Pero hindi, kailangan ko si Papa na makita.

Nakita ko na may mga tao sa bahay, hindi pa naman madami ang tao dahil kakaburol pa lang ni Papa ngayon. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Mama na kausap ang isa sa mga kapit-bahay namin

"Mama," tawag ko dito.

Napabaling sa akin si Mama at napatayo. Nakita ko ang pagmugto ng mata ni Mama dahil sa kakaiyak mula pa ng malaman niya na iniwan na kami ni Papa.

"Anak..."

Hinawakan ako ni Mama at niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam ko naman na masakit sa kanya na mawala ang taong mahal niya ng maaga at maiwan na lang siya mag-isa.

"Anong pong nangyari? Bakit biglaan naman po?" tanong ko at naguguluhan ako kung bakit bigla kaming iniwan ni Papa.

Humiwalay ng yakap sa akin si Mama at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi ko rin alam, Steph." Umiling pa si Mama. "Nung umaga ay okay pa siya pero nung gabi ay nakita ko na lang na walang malay ang Papa mo, Steph. Iniwan niya na tayo."

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now