17

894 12 7
                                    

Titig na titig ako sa suot-suot kong necklace. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang naggagandahang mga singsing na may iba't-ibang meaning. May dalawang singsing ang nakalagay dito sa necklace. One is the emerald ring na una n'yang binigay sa akin at ang huli naman ay diamon ring, parehas na binigay sa akin nang iisang tao lang. How can I forget that? He's the only man that makes me feel precious na palagi n'yang sinasabi sa akin.

"Ang gaganda n'yo pa ring pagmasdan, kahit na matagal na kayong binigay sa akin."

Hindi ako magsasawa na tignan kayo dahil isa kayo sa mga bagay na mahalaga sa akin.

"Anong gusto niyong ulam ngayong gabi?" rinig kong tanong ni Clarice.

Naalis ang tingin ko sa kwintas ko at muli ko itong binalik sa loob nang damit at tsaka ako tumingin kanila Clarice na kanina pang nag-iisip kung ano ang uulamin namin.

"Mag-manok tayo," mungkahi ni Margaux.

"Huwag na manok! Magkakaroon na tayo ng palong n'yan sa ulo," sambit ni Irish, na naunang hindi sumang-ayon sa mungkahi ni Margaux.

"Edi, mahanap na lang tayo sa palengke nang pwedeng makain ngayong gabi," sambit pa ni Margaux.

"I agree. Tara! Punta tayong palengke," aya ni Clarice at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Sama ka, Steph?" tanong ni Irish.

I shook my head. "Ayoko, tinatamad ako, Mhie."

"Okay, kami-kami na lang at hintayin mo na lang dumating si Vianco," sambit pa niya at tumango na lang ako.

Bale silang tatlo ang aalis ngayon at ako ang maiiwan dito. Hindi pa kasi dumadating si Vianco dahil may pinuntahan kaya hindi siya sumabay sa amin pauwi. Naiwan na lang ako mag-isa dito, hindi naman ako naboboring pag mag-isa ako dahil na rin siguro nasanay na rin ako. Ganito pag sanay ka ng mag-isa.

Napatingin ako sa cellphone ko na bigla na lamang tumunog at bumukas, hudyat na may tumatawag sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nabasa ko sa screen ang pangalan niya. I was waiting for his call and now, he called me. I clicked the green color, at nilagay sa tenga ko upang madinig ko ang sasabihin niya.

"Yes?" Kinalmahan ko ang sarili ko at hindi ako nagpahalata na hinihintay ang tawag niya.

"Are you mad, love?" he asked me in a low voice.

Randam ko ang takot sa boses niya habang tinatanong niya ako.

"No, bakit naman ako magagalit?" tanong ko.

"Because I didn't tell you that I have a wife. Uhm... I lie to you, love."

Hindi agad ako nagsalita. Hindi pa rin ba niya napapansin na alam ko na may asawa na siya kahit na hindi niya sinasabi sa akin, sa bawat na magkasama kaming dalawa.

I cleared my throat. "Hindi ako galit don't worry... Uhm... Maghihiwalay na kayo ni Isabella, right?"

I just want to confirm again kahit na nalaman ko na, na nahihiwalayan niya ang asawa niya. Gusto ko lang na malaman kung totoo na walang camera sa harapan n'ya.

"Yeah. I filed annulment already, hinihintay ko na lang na mapadala sa amin at mapirmahan na namin ni Isabela, so that we may be free to each other," sambit niya.

Pinapakinggan ko siya habang nagsasalita, gusto kong marinig kung nagsisi ba siya o hindi. Ngunit wala akong narinig mula sa boses n'ya, habang sinasambit niya na makikipag-hiwalay na siya kay Isabella.

"Pwedeng magtanong?" pagpapaalam ko sa kaniya.

"Yeah, sure, love. You can ask me, anything."

I bit my lower lip at mahigpit ko na hinawakan ang baso na nasa harapan ko. Gusto ko lang na makumpirma kung meron nga.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora