3

463 11 0
                                    

Warning: R-18

Malakas na musika ang bumungad sa aming lima ng makapasok kami sa bar, kung saan kami ililibre ni Vainco. Napa-wow na lang ako ng makita ko ang kabuoan ng bar na pinasukan namin. Ganito pala kaganda ang bar na ito kesa sa picture na nakita ko, pero parang may mali sa nakita ko. Hindi kasi ganito ang nakita ko sa picture.

"Dito mo talaga kami ililibre, Vianco?" tanong ko kay Vianco.

"Oo naman. Bakit ayaw niyo ba?" balik na tanong niya.

"Anong problema, Step?" tanong sa 'kin ni Clarice ng mapansin na nalilito ako na nakatingin sa kabuoan ng bar na pinasukan namin.

"Wala naman. Ang weird lang kasi 'yung nakita ko sa picture hindi ganito."

Nag-change ba sila agad ng pwesto at kulay ng wall nila? Nakita ko kasi sa picture na silver ang kulay ng wall pero dito ay crimsom and black accent wall. Minimalist crimson and black accent with a warm glow. Nakita ko rin na may room sila dito at may VIP room rin sila. Ang bilis naman pala nila na mag-change sa loob ng isang araw lang buti na lang talaga at maganda ang kinalabasan ng pagbago nila.

"Ano ba kasing nakita mo?" tanong ni Margaux.

"Wala, never mind na lang at let's party!" I yelled at tinaas ko pa ang kamay ko.

Wala na akong paki, kung nabago o hindi basta libre ni Vianco lahat, okay na ako doon. May kinausap na isa sa mga nagtatrabaho dito sa bar at tinuro sa amin kung saan ang pwesto namin. Pulang sofa ang bumungad sa amin. Ako na ang naunang umupo at fineel ko ang pagkakaupo ko doon, habang ang apat kong kaibigan ay umupo na rin. Si Clarice at Irish ang tabi ko, habang sa magkabilang side ko na may sofa rin ay nandoon nakaupo sina Vianco at Margaux. Masyadog malaki ang pwesto namin at kasya pa ang limang tao.

"Hindi ba mahal ang bayad mo dito sa pwesto natin, Vianco?" tanong ni Clarice.

Curioust rin ako kung magkano ang binayad ni Vianco dito sa pwesto namin.

"Wala namang bayad ang pwest natin. Ang iinumin lang natin ang may bayad." sagot ni Vianco.

"Magkano naman?" Si Irish naman ang nagtanong.

Bago sagutin ni Vianco ang tanong ni Irish, binigay na muna niya sa waiter ang hawak-hawak niyang menu. Nakapili na siya ng iinumin namin ngayong gabi.

"Ten thousand."

Nanlaki ang mata naming apat dahil sa sinagot ni Vianco. Ten thousand?! Totoo ba? Ilang buwan rin 'yong pagkain niyo. Ang mahal naman pala ng mga inumin dito sa bar na pinasukan namin.

"Ten thousand?! Ginto ba 'yang iinumin natin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Irish,

"Mas okay pa na red horse o gin na lang ang inumin natin, hindi pa umaabot ng isang libo," sabi naman ni Clarice, gulat pa rin siya.

"Grabe naman mag-presyo ang may-ari nito." 

Nilibot pa ni Margaux ang paningin niya sa bar.  Iba't-ibang reaksyon namin dahil sa ten thousand na sinabi ni Vianco. Nakakagulat naman kasi ang sinagot niya sa amin at saan siya kumuha ng pera?

"Paano ka naman nag-karoon ng ten thousand?" tanong ko kay Vianco.

Tumingin siya sa 'kin at may pahawi-hawi pa siya ng buhok niya na akala mo ay mahaba.

"May sugar daddy kasi ako, kaya may ten thousand ako." Ngumiti pa siya.

Umiling na lang ako at tsaka tumawa dahil sa sinabi niya. May sugar daddy naman pala ang baklang ito, kaya ang lakas ng loob na mag-aya na uminom dito.

"Huwag niyo ng intindihin ang presyo ng iinumin natin, basta magsaya na lang tayo at maghanap ng boyet dito!" Pumalakpak pa si Vianco.

"I like that!" 

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon