5

403 11 0
                                    

"Letche ka talaga, Vianco!"

Inis na inis ako ngayon dito habang kausap si Vianco na tumatawa lang ngayon, akala ba niya nakakatawa? Hindi! Mali naman pala ang nakita ko.

"Kasalanan mo, hindi mo tiitignan maigi, eh," natatawa nyang sabi at napapahawak pa siya sa tyan niya.

"Dapat kasi tinama mo ako! Kaya pala litong-lito ako 'nung pumunta tayo doon."

Pinaghahampas ko siya sa balikat niya ng malakas pero mukhang wala naman siyang nararamdaman sa ginawa ko.

"V ang name ng bar as in Villa," sabi ni Clarice.

"Hindi mo ba nakita sa labas? Kaya akala mo hernandez ang name ng bar," ani naman ni Irish.

"Alam ko kaibigan ni Demsol mylabs 'yung may-ari." Si Margaux.

Alam ko... Akala ko pa naman hernandez ang name ng bar na pinasukan namin, 'yon naman pala V as in victory. Ako lang pala ang litong-lito 'nung friday kung bakit bigla na lamang nag-iba 'yung ayos ng ba, 'yon naman pala iba ang nakita ko sa cellphone ni Vianco.

"Kung alam ko lang na V bar ang pinuntahan natin. Hindi na sana ako sumama," sabi ko at tumingin kay Vianco ng masama. "Normalize blaming to you, Vianco!" Sumigaw pa ako sa harapan niya.

Napapunas siya sa mukha niya na parang sinasabi niya na tumalsik ang laway ko sa mukha niya. Ang arte pa naman ng baklang 'tong.

"Laway mo, girl. Hindi healthy."

"Tanga. Mas healthy pa nga ang laway ko kesa sa'yo," depensa ko.

"Bakit ayaw mo do'n? Ang ganda kaya ng bar na 'yon," sabi ni Clarice.

"Oo nga, kilala mo siguro si Mr. Jeric, 'no?" curious na tanong ni Irish.

Nakatingin silang tatlo sa 'kin at halatang hinihintay nila ang sagot ko, habang si Vianco naman ay mahinang natatawa sa tabi ko. 

"Hindi! Bakit ko naman kikilalanin 'yon?" Umayos pa ako ng upo sa sofa dahil pakiramdam ko ay mahuhulog na ako.

"Gwapo?" Napatingin ako kay Irish,

"Hunk?" Bumaling ako kay Margaux ng sumunod itong nagsalita.

"Yummy?"

Napaawang ang labi ko.

"At masarap!"

Huli akong tumingin kay Vianco dahil huli siyang sumagot. Parang gusto kong paguntugin ang apat na ito na pinagtutulungan na ako ngayon. Humalakhak pa ang apat pagkatapos nilang mabuo ang ideal type ko. 

"Not accepted pa rin dahil may asawa na," sabi ko.

"Hoy! Paano mo nalaman na may asawa na 'yon, ah?" tanong muli ni Clarice.

Pasimple kong sinabutan ang sarili ko. Bakit ba ang daming tanong ni Clarice.

"Binalita 'yon, syempre at isa pa bakit ko naman kikilalanin 'yon? Ano siya? Gold?"

Tumayo na ako at umalis na sa kumpulan na ginawa namin kanina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko 'yon ng tubig, uminom ako ng tuloy-tuloy at wala akong tinira. Linggo ngayon at wala kaming pasok kaya ngayon nasa apartment kami. Wala kaming plano today, wala naman kasi nagyaya baka mamaya mag-yaya ang isa sa amin.

"Saan ka punta Margaux?"

Nakabihis ngayon si Margaux ng pang-alis na halata mo dito na may lakad siya ngayon.

Sana all, diba?

"Magpapadala lang ako kanila Mama," sagot niya habang tinatali niya nag kaniyang buhok.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverWhere stories live. Discover now