Special Chapter: Eloiza Martinez

Start from the beginning
                                    

"Ayun nga eh, hindi sya makakatawag. Nag-message sya sakin bago matapos ang practice natin na maaga ang practice nila." sagot nya na may simangot sa mukha.

"Kaya pala sobra-sobra ang practice mo." sabi ko na lang. Pumara si Tyrant nung may dumating na jeep. Walang tao sa harapan. Bago ko pasakayin si Tyrant ay binigay ko ang jacket ko sa kanya. Naka-short short lang kasi sya.

"Gutom na gutom ka na ba? Bibili sana ako ng damit." sabi nya pagkatapos nyang magbayad.

"Hindi pa naman." sagot ko.

"Wala ka bang bibilhin sa mall bukod sa kumain ng ramen?" tanong nya uli.

"Wala, siguro bago ako umalis." sabi ko at nakita kong nalungkot ang mukha nya mula sa side mirror ng jeep. Kanina hindi sya epektado na pinag-uusapan ang pag-alis ko pero isa rin syang nalulungkot.

Nakarating kami sa mall na hindi na nag-iimikan. Nakasimangot pa rin sya habang papunta kami sa adidas store. Hinayaan ko na lang sya. Tumingin tingin ako sa store kung anong pwedeng mabili pero wala akong natripan. Hinanap ko si Tyrant at nandon sya sa mga sando.

"May napili ka na?" bahagya syang napatalon. Nilingon nya ako na may masamang tingin. "What?"

"Magsabi ka naman kung nandyan ka." sabi nya sabay balik ang tingin sa mga sando.

"Magugulat ka rin." sabi ko. May nakita akong magandang sando kaya kinuha ko 'yon. "Tapos ka na ba? nakakaramdam na ako ng gutom. Pasabay na rin." binigay ko sa kanya ang sando na napili ko.

"Wow huh." sabi nya at naglakad papunta sa counter.

Hinintay ko sa labas ng store si Tyrant. May ilan na taong kinukuhaan ako ng picture at kumakaway sakin. Wala naman nagbabalak na lumapit sakin na pinagsasalamatan ko.

"Oh." tumingin ako sa gilid. "Sagot mo pagkain ko ah." tumango lang ako at kinuha ang paper bag. Iniligay ko sa duffle bag ang paper bag.

Naglakad kami papunta sa second floor kung saan ang Ramen Nagi. Sa loob kami puwesto dahil kapag sa labas ay magkaroon pa ng issue.

"Ano sayo?" tanong ko. Napili ko na ang gusto kong ramen at side dish.

"Original King." sagot nya at isinara ang menu.

"Wala ng iba? drinks?" tanong ko.

"Anong napili mong side dish? Iced tea na lang sakin." sabi nya nung tumingin uli sa menu.

"Aurora Shrimp at Porl Katsu roll." sagot ko.

"Makikihingi na lang ako. Hindi ko naman kayang ubusin yung ramen." tumango na lang ako at tumawag ng waiter. Sinabi ko ang order naming dalawa. "Kayo ni Blysse ang magkasamang aalis 'no?" tanong nya pagkaalis ng waiter.

"Yes." may hindi paggustong sagot ko. Natawa sya ng mahina sa reaction ko.

Kahit na okay na kami nila Blysse, ayokong naiiwan mag-isa sa kanya. Madalas kaming nagkakainitan dahil palaging kaming hindi nagkakasundo. Kinokontra namin ang isa't isa. Magkasabay rin kami ng natanggap ng offer sa Queer at parehas kaming next year ang alis. Sya ayaw pang iwanan ang girlfriend nya at ako na gusto ko pang makalaban si Kriza.

"Galingan mo para maging regular ka ron." sabi nya.

Si Joella at Samantha ay hindi agad na-regular pagkarating nila ng Queer pero mabilis rin naman silang na-regular. May naging kaalitan ang tatlo sa Queer dahil mabilis silang napabilang sa regular. Mahirap maging regular sa Queer. Pinipili talaga nila ang mga magagaling kaya yung mga hindi na-regular, mas lalo pang nagpupursige para ma-regular. Hindi na nakakapagtataka kung bakit madalas manalo ang Queer.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now