Chapter 3

18.3K 732 298
                                    



Zaparta's POV

Pagkatapos namin kumain ni Marceline ay pumunta na kami sa room namin. Mabuti pa si Marceline si Math ang makakasama nya sa room at dalawa pa ang kama nila. Hindi tulad samin ni Kriza na iisa lang.

Pumasok ako sa room namin. Hinanap ng mga mata ko si Kriza na mukhang tulog na sa kama. Mabuti naman ay tulog na sya. Hindi ko alam kung paano sya pakikisamahan. Kumuha ako ng damit ko dahil ang baho ko na. Naligo na nga sa lawa, kadalasan may putik kaming nadadaanan tapos umakyat ng mataas na lupa tapos pawis. Ang saya 'di ba.

Pagkatapos ko din maligo ay nagpahinga ako sa couch. Gusto ko sanang humiga sa kama kaso nandon si Kriza kaya naman sa couch na lang ako nagpahinga. Wala pa naman sinasabi ang mga seniors kung ano gagawin namin pero pwede kaming magpahinga.

Iniisip ko kung ano na kaya nangyari sa iba. Kung umabot ba sila bago mag-twelve. Quarter to twelve na kami umalis kanina ni Marceline sa cafeteria at wala pa sila. Alas dose y media na rin, ano na kaya nangyari sa mga 'yon.

Sa sobrang pagod ko sa nangyari ay namalayan ko na lang ang sarili kong nakatulog. Nagising ako na may kumakatok sa pintuan. Una ko agad tinignan ang kama kung nandon pa ba si Kriza at nandon pa nga sya, natutulog.

Pinuntahan ko na ang kumakatok dahil baka magising pa si Kriza.

"Tama na ang two hours na pahinga. Mag-ayos na kayo at pumunta ng gym." sabi ni Jacky. Ang pinakamasungit sa lahat ng Dragon Empire. Umalis din agad sya pagkasabi nya.

Sungit talaga.

Tsaka ko lang na-realize pagkasarado ng pintuan kung paano ko gigisingin si Kriza. Dapat pala hinayaan ko si Kriza ang magising para hindi ako namomoblemang gisingin sya kaso lang...

Bumuntong hininga ako habang nakatayo sa gilid nya. Nakanganga pa sya ng konti at ang gulo nyang matulog. Tulog mantika ang isang ito. Ang hirap gisingin hangga't hindi sasapakin. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Hindi kami okay, paano ko sya pakikisamahan? kahit sya itong lumayo sakin.

"Alam mo, hindi sya magigising hangga't hindi mo hinahalikan." napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya ng kwarto namin.

"Tita─I mean coach." hindi talaga ako sanay tawaging coach si Tita Avey, si Tita Kill pwede pa dahil naging coach ko sya dati.

"'Di ba yun ang paraan mo para gisingin sya? tinatadtad mo sya ng halik." namula naman ako ng mukha sa sinabi nya.

"Mga bata pa kami noon." bata pa lang mahirap ng gisingin si Kriza at dahil isa akong makulit na bata noon at nakikita ko si Ate Zoe na hinahalikan si Ate Alexa kapag ayaw magising ay naisipan kong gawin iyon kay Kriza nung una akala ko hindi epektib dahil ang tagal pa rin magisingin ni Kriza pero kinalaunan ay nagising din at simula non ganon na ang ginawa kong paggising sa kanya. Natigilan lang nung medyo may isip na kami siguro mga thirteen years old kami.

"Hiya pa." ngising sabi ni coach. Sumimangot ako sa kanya. Ang hilig nyang asarin ako kay Kriza noon palang. Masyado daw kaming malapit ni Kriza na halos ako lang at si Marceline ang kaibigan nya tapos ayaw pa malayo sakin ni Kriza noon.

Sabi nila baby pa lang daw kami ay bantay sarado ako kay Kriza na kapag may humahawak saking iba ay niyayakap nya ako para hindi makuha ng iba. May napanood nga kami na video namin na kinukuha ako ni Tita Ella pero umiyak si Kriza at hindi sya tumigil na hindi ako naibabalik sa tabi nya. Para daw kaming kambal na hindi mapaghiwalay.

"Ibang iba na kayo ngayon." sabi nya habang nakatingin sa natutulog na anak nya.

Tumingin din ako kay Kriza at ngumiti ng malungkot.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now