Chapter 67

17.1K 712 337
                                    


Third Person's POV

Nakalambitin si Dite sa ring pagkatapos nitong mag-dunk. Hindi pa rin ito bumababa kahit na nagdidiwang na ang nanalong team. Ang Dragon Empire.

"Ang galing mo Kriza!" hiyaw nila Marceline habang pinagkakaguluhan si Kriza na nagawang pigilan si Dite. Nahampas ni Kriza ang bola kaya naman hindi nagawang makapuntos ng Miracle.

Habang nagdidiwang ang Dragon Empire ay sya namang nagluluksa sa pagkatalo ang Miracle. Tahimik lang sila na nagpipigil ng iyak. Nilapitan ni Zandy si Dite na nakalambitin pa rin sa ring.

"Dite, baba na dyan." mahinang sabi ni Zandy. Nagpapakatatag ito para sa team nila kahit na gustong gusto nya na ring umiyak.

Bumaba si Dite at tumingin kay Zandy. Nakangiti ng pilit si Zandy sa kanya.

"Umiyak ka kung gusto mo. Wag kang magpakatapang dyan." sabi ni Dite at tinapik ang balikat ni Zandy tsaka lumakad.

Pagkaalis ni Dite ay sya naman ang pagyugyog ng balikat ni Zandy at tuluyang umiyak. Nilapitan sya nila Joella para aluhin.

"Dite." tawag ni Zoe sa anak nyang lumapit sa kanila.

"I think, we need to talk right?" tanong ni Dite sa magulang.

"Yes pero mamaya na pagkatapos ng ceremony." sagot ni Zoe.

"Pwedeng ngayon na?" napakunot ang noo ni Zoe tapos tumingin kay Kill. Tumango si Kill kaya naman pumayag na si Zoe.

Naglakad na sila palabas ng gym. Nakita naman iyon ni Aero kaya agad nyang tinawagan si Alexa.

"Mommy, puntahan natin sila Mama. May sasabihin si Ate." sabi ni Aero at binuhat si Alex. Nagpaalam na sila sa mga kaibigan nila at sinabi na magkita-kita na lang mamayang team dinner.

Pinuntahan ng mag-ina ang dalawa sa parking lot. Nagtaka si Alexa kung bakit sa parking lot pa sila mag-uusap.

"Let's go." pagmamadaling sabi ni Zoe.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Alexa habang pumapasok sa sasakyan.

"Sa pinakamalapit na hospital." agad napatingin si Alexa kay Zoe. "Injured si Dite, kailangan natin bilisan." tumingin si Alexa kay Dite at nakita nitong tila nasasaktan kaya naman agad pinaandar ni Alexa ang sasakyan papunta sa hospital.

Agad inasikaso si Dite pagkarating sa hospital at nagulat ang mga magulang nya na makitang malala ang injury ni Dite. Hindi na muna nila ito tinanong para maasikaso agad ng mga doctor si Dite. Pagkatapos asikasuhin si Dite ay idinala ito sa private room. Nandon silang magpapamilya.

"Kailan ka na-injured, anak?" tanong agad ni Zoe.

"Sa soccer game pa po." gulat ang tatlo sa sinabi ni Dite.

"Kailan don? bakit hindi ka nagsabi?" nag-aalalang tanong ni Alexa.

"Naapakan ako ng dalawang beses ng ace ng kalaban. Hindi ko sinabi o pinahalata dahil gusto kong tapusin na hindi umaalis sa laro." sagot ni Dite.

"Sana sinabi mo pagkatapos ng laro nyo. Naglaro ka pa tuloy sa basketball." sabi ni Alexa. Nag-aalala ito na baka hindi na ito makalaro sa ginagawa nya.

"Uminom naman ako ng pain killer. Hindi ko pwedeng tanggihan ang larong ito pagkatapos kong umalis." sagot ni Dite. Napabugha ng hangin si Alexa sa katigasan ng ulo ng anak nya.

"Ayoko ng mauulit ito Dite." napatingin silang lahat kay Zoe na seryosong nakatingin kay Dite. "Nagkakaintindihan ba tayo, Dite?" otoridad na tanong ni Zoe. Napalunok si Dite dahil ngayon nya lang nakitang magalit si Zoe kaya kusa itong tumango. "Sa oras na maulit ito, hindi na ako papayag na maglaro ka pa ng kahit anong sports pati na rin ikaw, Aero." napalunok si Aero.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now