Chapter 15

15.5K 667 326
                                    


Marceline's POV

Inaantok at humihikab pa akong naglalakad patungo sa kwarto ng dalawa kong bestfriend. Oras na para gisingin ang dalawa para magjogging kaming tatlo. Hindi pa man magkaayos yung dalawa, at least komportable na ulit sila na magkasama kahit na hindi sila nag-iimikan na dalawa.

Hindi na ako kumatok sa pintuan nila dahil hindi din naman nakalock ang kwarto nila na nakakalimutan palagi ng dalawa na ilock. Nakapatay ang ilaw nung mabuksan ko ang pintuan kaya kinapa ko pa ang pader para hanapin ang switch ng ilaw. Nang makapa ko ito, binuksan ko agad ang ilaw at tumingin sa higaan nila.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang position nilang dalawa. Nakayakap si Zap kay Kriza tapos ang mukha nya pa ay nasa dibdib ni Kriza. Ang isang kamay naman ni Kriza ay nasa ulunan ni Zap.

"How sweet naman this." sabi ko habang nakangisi. Agad kong nilabas ang cellphone ko para kuhaan sila ng picture. Paniguradong mamumula ang mukha nila kapag nakita nila ang position nila ngayon. Nakailang picture pa ako bago ko sila tigilan.

Tamang tama sa pangblockmail sa kanila.

Ginising ko na sila at tawang tawa ako nang makita ko ang reaction ni Zap. Pulang pula ng mukha nya at agad syang lumayo kay Kriza na tulog mantika.

"Ayyieeuttt." sabi ko na natatawa.

"Gago!" sabi nya at binato pa sakin ang unan nya. Natatawang umiwas naman ako.

"Mabuti na lang tulog mantika si Kriza kundi, yari ka." sabi ko.

"Heh! gisingin mo na lang yan!" sabi nya at pumasok ng banyo. Tawang tawa pa din ako. Sobrang pula ng mukha nya.

Ginisingin ko na si Kriza. Sinampal ko pa sya para lang magising. Natatawa na lang ako sa loob loob ko dahil hindi ako ginagantihan ni Kriza sa pananampal ko. Pinagmasdan ko si Kriza na tumayo at naglakad patungo sa banyo. Napatakip ako ng bibig ko para hindi matawa.

"Waahh!!" at hindi ko na napigilan nang sumigaw si Zap. My goodness!

"Shit. Bakit hindi mo sinabi na nasa loob si Zaparta?" tanong ni Kriza na namumula ang mukha na lumabas ng banyo.

"Eh? nandon pala si Zap." inosenteng sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Kriza. Nagpeace-sign ako sa kanya.

Namumula ang mukha ni Zap at hindi makatingin sa gawi ni Kriza nang lumabas sya ng banyo. Ngisi-ngisi naman ako habang pinagmamasdan ang dalawang hindi nag-iimikan. Ang sarap talagang panoorin ang dalawang ito.

Pagkatapos nilang mag-ayos, sabay kaming lumabas ng dorm para magjogging. Sa una ang tahimik namin pero hindi na ako makatiis sa tahimik ng dalawa kaya naman kinausap ko na sila tungkol sa Christmas party na gaganapin sa susunod na linggo.

"Lahat pala sila reregaluhan natin 'no? shete ang dami nila." sabi ni Zap. "Ubos ang pera." natawa ako.

"Okay lang 'yon, kung gaano kadami ang ibibigay mo, ganon din kadami ang makukuha mo kasi pati sila bibigyan ka." sabi ko. "Ang alam ko may mga palaro pa sila at ang gaganda daw ng premyo."

"Sabi nga daw. Si Ate Zoe, nakakuha daw sya ng sapatos dati." sabi ni Zap. "Lahat ng papremyo nila galing kay Popsy." ang Popsy na tinutukoy ni Zap ang lolo ni Kriza na si Popsy Kean ang may ari ng camp pero si Tito Kyle na ang namamalakad nito ngayon.

"Kaya siguro ang bobongga ng mga premyo dahil sila pala ang nagbibigay." sabi ko. Nilingon ko si Kriza na nasa kaliwa ko na kasabay namin mag-jog. "Ang tahimik mo." Sabi ko sa kanya. "Dito lang si Zap eh." Pang-aasar ko. Inirapan ako ni Kriza na ikatawa ko. Si Zap naman ang nilingon ko na nakabusangot. Napahalikgik ako. Itong dalawang 'to.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now