Chapter 45

16.8K 708 279
                                    


Rigel's POV

Nakahawak sa magkabilang kamay ni Dite si Tyrant at Lulu. Hindi na nila binitawan si Dite simula nung nakita namin sya kanina. Si Sylvia ay pinaraya na sa dalawa si Dite pero nasa una naman nya ito at palagi nyang nililingon. Halatang hindi makapaniwala na kasama na nila si Dite.

Isinama na rin namin si Samantha at Eloi. Nung una pa nga ay ayaw pa sumama ni Eloi kung hindi lang sya napilit ni Samantha. Nasa likuran din sya kasama sila Kennie. Si Dite na tahimik pero nasa unahan dahil sa tatlo.

"Dite, para talagang lumaki ang braso mo." sabi ni Lulu. Kinapa-kapa nya ang braso ni Dite.

"Oo nga, nagbubuhat ka ba?" tanong ni Tyrant.

"Oo." sagot lang ni Dite.

"Weh? patinga nga ng braso mo!" nae-excite na sabi ni Lulu. "Ang init init naka-jacket ka." sabi nya pa. Tatanggalin nya sana ang pagka-zipper ng jacket ni Dite pero pinigilan sya ni Dite. "Ihh Dite naman eh." nakangusong sabi ni Lulu.

"Bakit mo naman naisipan magbuhat?" tanong ni Asta. Nilingon sya ni Dite.

"Required sa training 'yon." sagot ni Dite.

"Kaya pala malaki ang katawan ni Ate Talia dahil don. Iniisip ko tuloy kung gaano kalaki ang muscles ni Dite." nakangising sabi ni Julia.

"Halos parehas lang sa kanya." sagot ni Dite.

"Bakit hindi mo ipakita?" dagdag na katyaw ni Joella. Naghahamon pa ito kay Dite.

"Wag na, baka tumulo laway nyo." sabi ni Dite.

"Ang kapal." sabay-sabay na sabi ni Kennie, Lee at Asta. Wala naman reaction si Dite doon.

"Wag nyo ng pilitin si Dite at baka pagkaguluhan sya." natatawang sabi ni Samantha. Sinakyan pa ang sinabi ni Dite.

"Tandaan nyo, isang chick magnet ang Mama nya." sabi ni Sylvia.

"At sa itsura pa naman ngayon ni Dite, madaming magkakagusto sa kanya nyan." dagdag na sakay ni Zandy.

"Hindi malabong mangyari. Ang cool-cool kaya ni Dite." sabi ni Tyrant tapos hinila pababa si Dite para mahalikan nya sa pisngi. Magkasing-tangkad lang kami ni Tyrant at Lulu. 

"Halikan talaga?" sabi ni Samantha. Natawa naman si Zandy. Napataas ang kilay ko. Ang selosa naman nito.

"Dite, hindi ko pa nasasabi sayo ito pero last week lang naging sila na ni Tyrant." sabi ni Zandy. Tinignan ko ang reaction ni Dite. Sinabi sakin ni Zandy na sobrang concern ni Dite kay Lulu at Tyrant kaya over protective sya sa dalawa. Wala naman reaction na pinakita si Dite pero nakatingin sya kay Samantha. Ito naman si Samantha ay napangiwi.

"Dite, para namang hindi mo kilala si Samantha." sabi ni Tyrant. Sa kanya na tumingin si Dite.

"Kaibigan ko sya pero bestfriend kita. Saktan ka nya..." sabi ni Dite tapos ibinalik ang tingin kay Samantha.

"Hindi ko sya sasaktan! Promise!" natawa sila Lulu kay Samantha dahil halatang natakot sya sa banta ni Dite kahit na hindi pa tapos ang sinasabi. "Sya nga itong sasaktan ako eh."

"Anong sabi mo?" mataray na sabi ni Tyrant. Napangisi kami, under si Samantha kay Tyrant. Kung dati na naasar nya si Tyrant, ngayon ay hindi nya magawa dahil konting asar lang ay inaaway na sya ni Tyrant.

"Paano naman kapag parehas na bestfriend mo ang magkarelasyon?" tanong ni Sylvia.

"Sino?" tanong ni Dite.

"Wala, tinatanong ko lang." sabi ni Sylvia.

"Sino?" ulit na tanong ni Dite. Napakunot ang noo ko dahil tila wala naman sa mga kaibigan nya ang magkakaroon ng relasyon.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now