Chapter 38

15.7K 730 285
                                    



Zaparta's POV

Tinignan ko si Kanao habang nakadungaw sa dagat. Magkasama kaming tatlo nila Drew pagkatapos ng eksena kanina sa dinning area. Nasa rooftop kami ng bahay. Namumula pa rin ang pisngi nya sa sobrang lakas ba naman ng pagkasampal sa kanya ni Harriet na narinig pa namin.

"Girlfriend mo ba si Harriet?" napatingin ako kay Drew na wala man lang intro.

"Hindi pa." sagot naman ni Kanao.

"Hindi pa? bakit hindi pa?" tanong ko naman.

"Hangga't hindi nya pa daw ako natatalo ay hindi nya ako sasagutin." sabi nya. Napaubo ako dahil parehas na parehas kami ng sitwasyon.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Drew sakin.

"Parehas kami ng sitwasyon ni Kanao eh." sabi ko.

"Kanino naman?" takang tanong nya ulit.

"Hmm...kay Kriza." sabi ko.

"Oh." sagot lang ni Drew tapos tumingin kay Kanao. "Ayan, tigilan mo na ang nararamdaman mo kay Zap dahil may iba syang gusto." sabi nya kay Kanao. Pambihira, sinabi talaga 'yon sa mismong harapan ko.

"Don't worry, mahal ko si Harriet. Hindi ko sya ipagpapalit kay Zap." kung mag-usap talaga ang dalawang ito tila wala ako sa tabi nila.

"Iwas iwasan mo na kasi ang pagsama mo sakin." sabi ko.

"Hmm? ayoko nga. Kailangan kong malaman ang kahinaan mo." nakangising sabi nya sakin. Pinaliitan ko sya ng mata. "Nilalayuan ko sya dahil panay ang kausap nya sa ex nya." seryosong sabi nya.

"Sino ang ex nya?" tanong ko. "Kasama ninyo ba?"

"Si Trevor." sabi nya. Napakunot ang noo ko.

"Yung captain ninyo? natural na mag-uusap yung dalawa dahil captain ninyo si Trevor." sabi ko.

"Tsk." sabi lang ni Kanao.

"Selosa." sabi ni Drew.

"As if hindi sya nagseselos kay Zap." napakunot na naman ang noo ko dahil nadamay na naman ako. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang ito. Magkasundo sila kahit na hindi sila madalas mag-usap.

"Bakit na naman ako nadamay?" tanong ko.

"Manhid." napasimangot ako dahil kanina pa ako sinasabihan ng manhid. "Alam mo ba kung bakit Drew ang nickname nya?" sabay nguso ni Kanao kay Drew.

"Malay ko din. Ang layo ng real name nya sa nickname nya eh." sabi ko. Astris tapos Drew? saan banda yung Drew don.

"Kasi may gusto sya sa captain nilang si Dru na may gusto sayo." sabi ni Kanao.

"Pwede ba?" sabi ko at umiling. Asarin na nila ako ng kung ano basta wag lang yung mga nagkakagusto sakin. Sakin magkakagusto? eh mas madaming magaganda dito.

"Totoo ang sinasabi ni Kanao. May gusto sayo si Dru." sabi ni Drew. Hindi makapaniwalang tinignan ko sya.

"Wag mong sabihin sakin na kaya ka lumapit sakin dahil don?" sabi ko.

"Nah. Lumapit ako sayo dahil sa sinabi sakin ng kambal." sabi nya. Iniisip ko kung ano ang sinabi ng kambal kay Drew lalo na yung isa na napaka-bully.

"Pero ano ang sa tingin mo kay Dru? yung captain nila." sabi ni Kanao. Pambihira, akala ko naman nailayo ko na yung tungkol kay Dru.

"Kung ano ang tingin ko kay Stace ay ganon din kay Dru. Though, mas maganda si Dru." sabi ko. Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni Drew. Palihim naman akong napangiti. So, totoong may gusto sya kay Dru?

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now