Chapter 62

16K 754 222
                                    


Zaparta's POV

"Yey!" sigaw ko at tumalon sa higaan ni Kriza. Kinuha ko ang isang kunan at niyakap. Naamoy ko agad ang ginagamit na shampoo ni Kriza. Tumingin ako kay Kriza na nakatayo sa gitna ng kwarto habang nakatingin sakin. Umupo ako. "Alam ko na ang gagawin ko para lagi kitang makasama. Lagi kitang hahamunin at kapag nanalo ako. Dito ako matutulog." nakangiting sabi ko.

Nanalo ako sa kanya kanina sa unang training namin. Lamang ako ng isang flag sa kanya at ako rin ang pinakamaraming nakuha sa lahat. Maraming gustong kumuha sa mga flag ko pero maingat ko iyon inalayo sa kanila kaya hindi nila nakukuha sakin. Si Blythe ay isa sa sampung naparusahan kanina dahil nahulog ang basket nito sa pakikipag-agawan kay Marceline. Walang natira sa kanya kaya sya ang pinakamababang puntos. 

"Matulog ka na." sabi nya at nagtungo sa study table. Tapos na kaming mag-dinner at nakapaligo na rin.

"Eh ikaw?" tanong ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot. May binuksan syang notebook. Tumayo ako habang yakap-yakap ang unan at lumapit sa kanya. Tinignan ko naman ang laman ng notebook nya. Mga strategy. Ang busy nya naman. Bumalik ako sa higaan at nahiga. "Hihintayin kita, kakantahan pa kita eh." sabi ko habang nakatingin sa kisame tapos nilingon sya. Nakatingin sya sakin kaya ngumiti ako sa kanya. "Kaya bilisan mo dyan bago ako antukin. Nakakapagod pa naman ang araw ngayon." sabi ko at kinuha ang cellphone ko. Nagpaka-busy muna ako sa cellphone ko.

Isang oras ang paghihintay kong matapos sya sa ginagawa nya nung lumapit sya sakin. Nakapatay na ang ilaw at tanging sa lamp shade lang nakabukas. Humarap ako sa kanya habang nag-aayos sya ng kumot nya.

"Ready?" nakangiting sabi ko. Hindi sya sumagot o tumango man lang. Tumalikod sya ng pagkahiga sakin pero ayos lang. 

Sinimulan ko na syang kantahan. Beautiful Scars by Maximillian ang kinanta ko para sa kanya. Parehas kaming nasasaktan sa nangyayari samin kaya ito ang pinili kong kantahin para sa kanya. Pagkatapos kong kantahin, nilingon ko sya kung gising pa ba sya pero nakapikit sya. Alam kong gising pa sya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Hindi sya nag-react kaya naman hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"I missed you. I love you, baby." mahinang bulong ko sa tainga nya at isinubsob ang mukha ko sa batok nya. Unti-unti ay nilalamon na ako ng antok kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako na wala na si Kriza sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader. Alas cuatro y media na ng umaga. Inayos ko na ang higaan ni Kriza bago bumalik sa kwarto namin ni Lesley para magpalit ng damit para mag-jogging. Siguradong nag-jogging na si Kriza kaya hahabulin ko sya.

"Zap?" inaantok na banggit ni Lesley sa pangalan ko. Kusot-kusot nya ang kanang mata nya.

"Good morning, alas cuatro pa lang ng umaga. Matulog ka na ulit." sabi ko sa kanya.

"Good luck." sabi nya bago ulit nahiga. Napangiti naman ako.

Bago ako pumunta sa kwarto ni Kriza kahapon ay kinausap ko muna si Lesley tungkol sa pagsusuyo ko kay Kriza at sa pinag-usapan namin ni Marceline na tigilan na nya ang pakikipagharutan sakin. Sumang-ayon sya at tinulungan pa ako kung paano ako mapapalapit pa kay Kriza. Nalulungkot ako para sa nararamdaman ni Lesley sakin. Sana mawala na ang raramdaman nya sakin.

Lumabas na ako ng kwarto namin at nagtungo sa kusina para kunin ang tumbler ko. Lumabas ako ng dorm at nakita ko si Kriza na nagwa-warm up.

"Good morning, Kriza!" masayang bati ko sa kanya. Nilingon nya ako saglit bago nag-jog pa alis. Hindi man lang ako hinintay. Nag-warm up na ako at binilisan ko talaga para mahabol ko si Kriza.

Medyo nakalayo na sya nung hinahabol ko sya kaya hindi ko sya agad nahabol pero nakita ko sya sa isang bench dito na umiinom ng tubig nang dala. Binilisan ko ang paglapit sa kanya at nung bago sya umalis ay hinawakan ko ang kamay nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now