Chapter 12

16K 596 271
                                    



Zaparta's POV

Winter Cup ngayong week at nasa Semi-Final na ngayon. Dragon Empire vs Shakers. Ang kinaaabangan ng lahat na laban bukod sa Miracle. Kung sino ang mananalo sa kanila ay sila ang makakalaban ng Miracle sa Final. At pinagdadasal ko na ang Dragon Empire 'yon. Nakakahanga ngayon sila Stace dahil mula first game nila, lahat ng puntos ng kalaban nila ay nasa one digit lang. Ang hihigpit ng bantay nila.

May mga nagpustahan na nga na baka pati ang Shakers ay magiging one digit lang ang score nila. Hindi namin masasabi na baka ganon ang mangyari dahil Shakers yan eh. Nasasabayan nila ang Dragon Empire kaya hindi kami sigurado sa mangyayari.

"Magsisimula na." Naeexcite na sabi ni Math.

Lumakas ang ingay na magsimula na magsalita ang announcer para ipakilala ang mga kalahok. Punong puno ang arena dahil sa mga fans ng dalawang team at mga ibang team na gustong mapanood ang laban. Kaabang abang kasi kung one digit lang din ang gagawin nila Stace sa Shakers.

Samu't sari ang mga cheer ng bawat fans ng team. Nakakabingi sila pero masaya naman ang ganito. Sobrang nakakapressure lang. Kinakabahan tuloy ako sa laro.

Nagsimula na ang laban kaya mas lalong umingay. Hinanap ko si Eloiza sa Shakers pero wala sya sa bench. Nakita ko sya sa likuran ng bench ng Shakers. Kumunot ang noo ko na nanonood lang sya kasama sila Tyrant. Hindi pa ba sya maglalaro? Ilan taon na ba sya? Sigurado naman akong nasa eighteen plus na sya dahil pumunta sya ng bar, so bakit hindi sya maglalaro ngayon?

"Hindi makascore ang Shakers!" Natutuwang sabi ni Math. Napatingin ako sa court tapos sa score board. Zero ang score ng Shakers habang ang Dragon Empire ay ten score. Hanep. Balak nilang i-one digit ang Shakers.

Ang gagaling ng Dragon Empire. Ang hihigpit ng bantay nila kahit wala sa kanila ang bola. Pinupwersa nila Stace ang Shakers. Iniisip ko nga kung tatagal ba sila sa ginagawa nila. Ubos lakas ang ginagawa nila.

"Ganyan ang pamamalakad ni Avey sa Dragon Empire." Napatingin kaming lahat sa nagsalitang nakatayo sa tabi ko.

"Tita Juls!" Sigaw ni Marceline at niyakap si Tita Juls. Bumati naman si Tita Juls sa kasamahan kong rookies.

"Kamusta naman kayo sa training?" Tanong ni Tita Juls.

"Mahirap!" Kahit hindi nila close si Tita Juls, basta idol nila, FC sila.

Natawa ng bahagya si Tita Juls tapos tumingin sa court.

"Kapag si Avey talaga ang humawak sa Dragon Empire, walang ibang makakatalo sa kanila." Sabi ni Tita Juls. "Si Avey.." tumingin sya samin. "..ang Dragon ng Dragon Empire kaya naman mahihirapan silang talunin ito."

"Pero bakit nung nasa Miracle sya, nagagawa pa ding talunin ng Dragon Empire ang Miracle?" Tanong ko. Napanood ko ang mga dating game kung saan si coach Avey ang coach ng Miracle.

"Sabihin na lang natin na.." muli syang tumingin sa court. "..hindi compatible si Avey sa Miracle." Nakangiting sabi ni Tita Juls. "Alam nyo, kaya lang naman nag-Miracle si Avey dahil kay Kill. Ang gusto nya talaga ay maging coach ng Dragon Empire."

"Bakit natagalan bago sya naging coach ng Dragon Empire?" Tanong ko ulit. Lahat kami ay nakikinig sa mga sasabihin nya. Nakalimutan na namin ang laro.

"Ayaw munang mahiwalay ni Avey kay Kill." Sabi nya at natawa. "Gusto munang makasama ni Avey ang pamilya dahil alam nyang madalang na lang nya makikita ito. Si Ella kasi malapit lang bahay nila kaya mauuwian nya ito. Mabuti nga din kasama nya si Kriza." Sabi nya at tumingin kay Kriza.

"Mahihiwalay ka talaga sa pamilya mo kapag nasa camp ka." Sabi ni Blythe.

"Kaya ang iba ay umaalis din ng camp dahil gusto na nila makasama ang pamilya nila pero syempre makakalaya ka naman kapag umabot na ng thirty years old kasi pwede ka na sumali sa PBA." Sabi ni Tita Juls. "Kaya yung mananatili sa Dragon Empire, sulitin ninyo muna ang team ng Dragon Empire. Bata pa naman kayo kahit thirty na kayo. Teka, alam ninyo ba na pwede kayong umalis pagkatapos ng training ninyo ng two years?"

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now