Chapter 31

17.4K 668 253
                                    


Zaparta's POV

"Mag-iingat ka, okay?" ngumiti ako kay Mama Alicia. Masaya ako na sya ang totoo kong magulang kahit na hindi ko hinihiling na makilala sya pero iba pa rin talaga kapag nakasama ko na ang totoo kong magulang.

"Yes po. Kayo din kapag nakabalik na kayo sa America." sabi ko. Ngayon ang balik namin sa camp. Nahuli ako ng balik dahil kinailangan namin pumunta sa hospital para makita ang resulta ng DNA namin tapos konting bonding lang at hinatid nya na ako dito sa camp.  Si Mama Alicia naman ay may ilang araw pa syang bakasyon dito. Since nasa camp ako ay hindi muna daw magre-resign si Mama Alicia sa pagiging manager nya. Next year na sya magre-resign kapag tapos na ang training ko. Pwede naman kami lumabas labas ng camp kapag official member na kami basta wag lang kakalimutan mag-training.

Nagtaka ako kay Mama Alicia dahil tinitigan nya ako ng maigi. Nataranta ako nung umiyak na sya.

"Ma-mama Alicia.." sabi ko at hindi ko alam kung paano sya patatahanin.

"Masaya lang ako." napatigil ako. "Masaya ako na nakita kita at makakasama pa. A-akala ko hindi na kita makikita pa." naiiyak nyang sabi. Napakagat ako ng labi. Naiiyak na din ako dahil umiiyak sya. Niyakap ko na lang sya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya. Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Mama Alicia na tila ayaw akong bitawan. Napangiti ako at hinayaan sya. Alam kong sobra-sobra syang nangulila at ngayon lang ulit sya nakaramdam na hindi sya nag-iisa.

Hindi ka na nag-iisa, Mama. Nandito na ako.

"Tawagan ninyo po ako araw-araw." sabi ko pagkatapos ng mahabang yakapan namin ni Mama Alicia.

"Araw-araw? hindi kaya kita maabala sa training mo nyan?" nag-aalalang sabi nya habang nag-aayos ng sarili nya.

"Ayos lang po 'yon." sabi ko. Ngumiti sya sakin.

"Ikaw ang bahala. Sige na, pumasok ka na." sabi nya. Muli ko syang niyakap. Ang mainit na yakap na nagmumula sa kanya.

"Ingat po kayo." paalam ko sa kanya. Tumango lang sya at kumaway. Tumakbo ako papunta sa golf cart. Kumaway ako sa kanya bago paandarin ang golf cart. Isang minuto ay nilingon ko sya. Saktong pasakay na sya sa sasakyan. Nawala ang ngiti ko dahil konting panahon ko lang sya nakasama. Bigla akong nalungkot dahil matagal tagal pa ulit bago ko ulit sya makita.

Dumiretso ako cafeteria pagdating ko sa dorm. Dala ni Marceline at Kriza ang gamit ko kaya wala akong dalang gamit ngayon. Pagpasok ko sa cafeteria ay nagtataka ako sa nakikita ko. Napatingin sila sakin pero mabilis din ibinalik ang atensyon sa pagkain. Kumunot ang noo ko. Aakalain mo kasing nag-eexam sila sa sobrang layo ng mga agwat nilang lahat tapos ang tahimik pa nila na bihira mangyari.

"Zap." nakangiting bati sakin ni Stace. Kasama nya si Lyte.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ko.

"Wag mo silang pansinin kung ayaw mong magaya sa kanila." napangiwi ako sa tono na binitawan ni Stace. Nakangiti sya pero ang creepy nya.

"Sa amin ka na sumabay, Zap." nakangiting sabi ni Lyte. Tumango ako kahit na nawe-werduhan ako kay Stace.

Umorder na muna ako bago tumungo sa table nila Stace. Hindi ako sanay na ang tahimik ng paligid. Ano bang nangyari?

"Zap." nagitlang ako nang tawagin ako ni Stace. May iba talaga sa taong ito. "Hindi ako magiging captain kung hindi ako mahigpit." nakangiting sabi nya. Kakaibang ngiti.

"Yeah..." sabi ko na lang. Tinignan ko si Lyte para humingi ng paliwanag pero umiling lang sya.

"Ayoko sa lahat yung inaabuso ang kabaitan ko." patagal ng patagal ay nagiging nakakatakot ang boses ni Stace. Nahahalata ko na galit sya. Ano ba talagang nangyari dito?

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now