Kung sino man ang lalakeng 'yon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil talagang malaki ang naging tulong niya sa akin. Isa pa, hindi ko na kailangang alalahanin na halikan isa-isa ang mga magtatangkang bumili.

Around 12 o'clock. I decided to go home na. Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng school nang bigla akong harangan ni Justin. Busy na naman kasi si Ric dahil may inoorganize sila pageant ngayon na gaganapin next week kaya mag-isa lang akong uuwi ngayon.

"Hi!" He smirked.

Tumikhim ako.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo, eh." I said.

Nagliwanag ang mukha niya bago siya nagsalita. "Sabay ka na sa 'kin! Pauwi na rin naman ako!"

I nodded.

Kapag kasi tumanggi pa ako ay alam kong pipilit-pilitin pa rin niya ako tulad ng dati.

Napaisip ako bigla, hindi ko kasi siya napansin noong mga nakailang-araw. Siguro ay busy rin siya noong mga araw na 'yon?

He smiled and walked with me.

I shrugged. Wala naman sa akin 'yon ang totoo nga'y medyo napanatag ako sa hindi ko malamang rason. Kumbaga, curious lang talaga ako.

"Ayon 'yung motor ko, oh."

I looked at where he's pointing and my eyes found his motor tricycle.

Sabay kaming naglakad doon nang bigla siyang nagsalita.

"Pasensya na at hindi kita naihahatid noong mga nakaraang araw, ah." He sounded apologetic that's why I smiled genuinely, assuring him that it's fine.

"Okay, lang."

He smiled shyly. "Medyo busy kasi ako noon, eh. At akala ko kasi...." He paused. Medyo namula rin siya.

"Ha?" My brows furrowed.

What is he saying?

"Wala!" He shooked his head and looked away. "May sinabi kasi si Bea sa akin... Pero kalimutan mo na 'yon!"

Mas nangunot ang noo ko ngayon.

Ano ba ang ibig sabihin? At ano ang sinabi daw ni Bea sa kanya?

Mapanuri pa rin ang mata ko hanggang sa nakarating na kami sa motor niya. I went inside and decided to ignored it. Kung ano man 'yon, bahala na, tutal ay ayaw niyang sabihin.

The next next days, I just spent it at home and at School. The time were very slow kahit na may event sa school. Hindi ko naman kasi naenjoy since I have many things on my head.

Like... well, you know what I mean.

I did not hear anything about Gen. Wala akong balita sa kanya simula noong umalis siya dito. Kung meroon man ay ang hindi pa rin niya pagbalik dito.

"Sayang at hindi pa bumabalik si Gen." Si Ric.

It's monday morning. Pangalawang linggo ng event at problemadong-problemado si Ric dahil kailangan niyang makahanap ng taong magjujudge para sa pageant na inoorganize nila.

"Pa'no ka naman nakakasiguro na papayag siya?" Malditang tanong ni Bea.

Ric rolled his eyes. "Mabait siya kaya sigurado akong papayag siya."

Bea chuckled without humor. "Sorry ka na lang dahil wala siya dito."

Napasandal si Ric sa kinauupuan niya at malalim na nag-isip.

"Kailan kaya babalik 'yon?" He asked, looking at me.

Agad akong nag-iwas ng tingin. My heart skipped a bit. Ayan na naman.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon