Kabanata 17

167 127 3
                                    

Kabanata 17

Candy

"Aalis na 'ko, Amaia."

My eyes drifted on Lola. I didn't quite understand what she said 'cuz my head is on something else.

Iniisip ko na naman kasi ang nangyari sa pagitan namin ni Gen.

"Ang sabi ko'y aalis na 'ko." Mas klaro niyang sinabi, napansin ata na hindi ko siya naintindihan.

Tumikhim ako. "Sige po."

"Kapag dumating 'yung magdedeliver ng tubig ay kunin mo na lang ang pambayad sa taas ng ref."

I shifted on my seat with my eyes slightly widened. Did I hear it right? May magdedeliver daw ng tubig?

I paused.

Ano bang kahibangan ang naiisip ko?

Bakit ko naman iisipin na si Gen ulit ang magdedeliver ng tubig sa amin since hindi naman niya 'yon trabaho. Isa pa, may galit nga siya sa akin 'di ba?

"Sige po." Sumimangot ako.

My Lola's brows furrowed while looking at me. Tila nakukuryoso na sa mga ginagawa ko.

Nag-iwas lang ako ng tingin at pinagtuonan ang palabas sa tv.

I didn't want to say it to her, especially to her! Hindi ko nakakalimutan ang galit niya sa mga Cavallero. At sa sandaling ikwento ko ang problema ko, alam kong magagalit rin sa akin si Lola.

She didn't want me to be friends with Gen. Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman pa niyang may gusto ako sa lalakeng 'yon?

Iniisip ko pa lang, napapangiwi na

'ko.

Nang makaalis ang matanda ay agad dumapo ang mata ko sa wall clock sa sala. It's around 9 o'clock. Mabuti na lang ag holiday ngayong sabado. Dahil may pagkakataon na akong makapag-isip ng maayos.

Panay ang sulyap ko sa sa orasan nang may marinig akong sasakyan sa labas. Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan. Inayos ko rin ang buhok ko bago nagtungo sa labas.  I am busy fixing myself when I realized something.

Sumimangot ako. What the hell am I doing?!

I rolled at myself and decided to go out.

Pagkalabas ko ay isang may kaedadan ng lalake ang nasa harap ng gate namin. Bumagal ang lakad ko.

Alam ko namang hindi si Gen ang magdadala ng tubig pero hindi ko magawang hindi madissapoint, at natitiyak kong bakas 'yon sa mukha ko ngayon.

Binuksan ko 'yung gate para mailagay na nung manong 'yung tubig sa terrace. I gave him the payment the moment he's done doing that.

"Salamat." He smiled genuinely. "Pasensya na at natagalan, ah? Wala kasing magdedeliver ng mga tubig dahil wala 'yung tagadeliver namin."

I gulped.

"S-sino po ba dapat ang magdedeliver?" I bit my lower lip.

Maghunos-dili ka, Amaia.

"'Yung anak ko."

I nodded slowly.

Sino ba ang akala mo?

He tilted his head a bit. "Akala mo ba'y si Gen?"

My eyes widened out of shock.

"P-po?" I stammered.

He chuckled playfully. "Sinasabi ko na nga ba at may pinopormahan ang lalakeng 'yon dito." Bulong niya habang napapailing.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon