Case 56 - Goodbye

98 7 10
                                    

Case 56

"GOODBYE"

DINELLE'S POV

Nasakop ng mga drawing ni Fai ang malaking espasyo ng pader dito sa kwarto ni Jun. Mukhang matagal nyang pinagpaguran at pinagpuyatan ang mga cartolinang ito. Siyam na chibi anime version namin.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ako habang kumakaway sa gitna ng entablado. Si Phia na may hawak na brush at iba pang pang-make up, si Ailyn na naka-pamaywang at may hawak na whistle. Si Ren na naka-sports wear at si Fai na tila ba kasalukuyang nagpeperform ng drama sa theatre. Si Tim na may hawak na bola ng basketball, si Reyjan na kumakain, si Pete na halos kumikinang sa pagkakangiti nang tipid, at si Jun na napakaraming binabasang libro.

Napawi ang mga ngiti ko. Sana magising na si Jun. Aalis na si Ren bukas..

"Din?"

"A-Ah.. Ailyn."

Kami ni Ailyn ang magkasama ngayon dito sa kwarto ni Jun. Nagpapalitan kaming pito ng dala-dalawang bantay kay Jun para makapagpahinga si Ren.

"I'm really sorry." Hindi ako matingnan ni Ailyn noong sabihin nya iyon.

Parang kahapon lang noong puntahan ko ang bahay nila para sa unang beses ng pagtatanggol ko sa gusto ko.

::::::::::::::::::::::::

I was wearing nerd outfit then, when I ran at Ailyn's house to tell her I love the detective.

"Ailyn, I know this is really stupid but for now I want to ignore the right thing and fight for my happiness."

If everything between me and the detective was really a mere pretention, I would've supported Ailyn on her confession like how she asked me. But it wasn't like that.

"Din, ano bang sinas--"

Alam kong sa mga narinig niya, naintindihan na niya. Natatakot lang siyang tanggapin. Alam ko ring hindi niya ito gugustuhing marinig mismo sa akin, pero kailangan. "Mahal ko ang detective. Mahal ko siya, Ailyn. Hindi ko kayang mawala siya."

Nabitawan niya ang hawak na payong. Kagaya ng kung paano bumagsak ang payong ni Fixell nang lapitan niya ako. Kagaya ng kung paano nahulog ang payong na hawak ko noong makita kong hinahalikan siya ni Fixell.

"Din?" kumunot ang noo niya at naging mapungay ang mga mata niya. Noong sandaling iyon, naitago ng ulan ang luha niya. "Din.. sabi mo sa akin, nagpapanggap lang kayo?" she sniffs and asks me on a trembling pleasing voice.

"Sinabi ko iyon, dahil ayaw kitang saktan. Sinabi ko iyon dahil iyon ang gusto mong marinig. I thought that was the right thing."

"You lied?" napapikit siya at umiwas ng tingin.

"Y-Yeah, but--"

"You actually lied and that's what hurts me more. We've known each other for three years already.." tiningnan niya uli ako. ".. don't you still trust me? You call that right thing? But how could the lie be right?"

"I lied, yes. But that is why I'm here. To tell you I was wrong. And I'm sorry. I'm sorry that I couldn't do anything to make your pain go away." humakbang ako palapit pero umurong siya. "And if I've hurted you, I'm sure you know I didn't mean it. You've known me for three years and I can't hurt you, Ailyn."

Aabutin ko sana ang kamay niya pero inilayo niya iyon. Nagsimulang mag-init ang mga mata ko, hindi ko ginustong makasakit ng kahit sino, lalo pa si Ailyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon