Case 11 - That Star

1.6K 35 7
                                    

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart






Case 11

That Star

Dinelle's POV

"Sabi nila hindi sila aalis hangga't hindi ka nila nakakausap." sabi ni Shel.

Kung sinuman ang mga iyon. Hindi sila kawalan.

"Edi wag silang umalis." tutal importante akong tao, hintayin nila akong makapagpahinga.

Mauupo na sana ako sa kama nang hilahin niya ako palabas. "The nerve you have to pull me! Bitawan mo nga ako, Shel."

"DIN!" sabay-sabay nilang sabi habang hawak nila ang malaking tarpaulin na may picture ko. Tiningnan ako ni Shel na parang tinatanong kung kilala ko ba ang mga kaharap namin ngayon.

Syempre! Syempre hindi!

Nginitian ko sila saka ako tumalikod na, dahil inaantok na talaga ako. "Din, aalis na kami bukas!" nakatalikod man ako, alam kong si Phia ang nagsalita.

Bakit ba ang daming nagpapaalam sa araw na ito? Good bye day ba ngayon? Si Kiel tapos sila? Bakit ba hindi na lang umalis ang walong ito nang tahimik?

"Yayayain ka sana naming lumabas." lumingon ako nang si Ailyn na ang magsalita.

Si Ailyn lang ang kaisa-isang taong hindi ko matanggihan. Dahil noong tanga pa ako at nabubulagan sa pag-ibig, yung mga bagay na sa tingin nya kailangan ko, ibinibigay nya sa akin. Biglang naramdaman ko na lang na parang nagkaroon ako ng isang kapatid.

Lumapit ako at napakamot sa leeg ko. "Saan tayo pupunta?" nakita ko kung paano silang sabay-sabay na napangiti.

ö~ö~ö~ö

"Look there! That's the Polaris right?" napatingin ako kay Ren at nakaturo siya sa itaas habang nakahiga kasama ang iba pa sa damuhan.

Katatapos lang nilang magsawa sa strolling at arcade. And because Kiel will never help me anymore, I see to it that I'm on my full disguise.

Hindi naman ako nag-aalala dahil alam kong pag silang walo ang kasama ko, walang mangyayaring masama sa akin.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon