Case 54 - Never Leave

261 11 2
                                    


Case 54

Never Leave

DINELLE'S POV

"Dindin, siguro may date si Director Rish, taping's over na raw ngayon eh. Narinig ko yung chika na kakausapin nya yung magiging trainor mo sa basketball. Di kaya may something sila? First time kasi natin uuwi nang maaga."

Itinabi ko na ang script na binabasa ko para tingnan si Crisostomo.

"Alam mo bang nag-suggest akong si Papa J na lang, baka kasi kung sino na lang ang piliin nya for you, dapat yung magaling kasi next week na yung scene mo, na kailangan mong maging hardcore sa shooting. Pero ewan ko, di naman kasi sya considerate."

Kinuha ko ang nakasabit na shades sa kuwelyo ni Crisostomo at dinala yung jacket na gamit ko kaninang umaga. "Crisostomo, mauna ka nang umuwi. May pupuntahan lang ako."

"Hoy! Din--"

Iyon lang at nagtatakbo na ako palabas.

"M-Mag-ingat ka.. Answer my phone calls! Tatawag ako mamaya. Teka, san ka ba pupunta?"

Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, pero sa ngayon ay kailangan ko munang mapag-isa, para makaisip ng paraan kung paanong maiaayos ang lahat.

::::::::::::::::::::::::::::

"C-Comatosed si Jun. Naaksidente siya noong papasok siya ng school kanina. Binabantayan siya ni Ren ngayon doon sa ICU." Malat ang boses ni Fai nang simulan nyang magsalita. At dahil alam nyang ayoko ng paliguy-ligoy, diniretso nya sa punto.

Natigilan ako at napatulala sa kanya.

"Flight na ni Ren next week, hindi pa sya nakakapag-paalam kay Jun at sa grupo.." dugtong pa ni Fai.

"Flight? Anong flight?"

"Doon na sila titira sa Australia."

"She didn't tell us?" Kumunot ang noo ko.

"Kanina ko lang rin nalaman.."

Huminga ako ng malalim. "Kakausapin ko si Ailyn." Bakit nga ba hinahayaan nyang mangyari ito sa grupo?

"Wala na syang balak makausap tayo.."

"Fai?" patanong na banggit ko.

"Hindi nya na rin kami gustong makita. Iniiwasan nya na kami, bago pa ang aksidente ni Jun. Din, I'm sorry." Doon na pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Fai. "Hindi namin sinabi agad sa iyo, kasi akala namin kaya naming ayusin."

Nakamot ko ang ilalim ng mga mata ko. Sinasabi ko nang may mali noong huling beses na pumasok ako sa school.

Maghapong naglaro si Tim mag-isa sa court, hindi kasama nina Fai at Ren si Phia, maging si Ailyn ay hindi ako pinansin noong makita ko siya sa Student Council Room, at sa kilos ni Reyjan ay iniiwas nya ako sa lahat noong araw na iyon, lalo na kay Ailyn.

Napayuko ako.

"Nasaan si Reyjan?" mahinang tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Fai at noong tingnan ko sya ay umiling lang sya ng maraming beses habang umiiyak, senyales na ayaw nyang pag-usapan.

"Sa tingin mo ba may magagawa ako para ayusin ito, Fai? Kaya ka nandito?"

"Din.."

"Kaibigan nyo ba talaga ako? Kasi bakit ang dami ko palang hindi alam? Wala kayong tiwala na kaya kong makatulong?!" nagsimula nang tumaas ang boses ko.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon