Case 10 - Prince and Knight

1.7K 43 4
                                    

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart






Case 10

Prince and Knight

Kiel's POV

"Tinawagan mo ako para lang kamustahin si A.M.?! Damn you! Wala ka bang number nya?"

Nasa labas ako ngayon ng hotel, kausap si Zeil sa phone.

"ANO KAMO? Wala kang number nya? Sa kanya mo kunin! Wag mo akong asarin, Kuya."

Long silence.

"Yeah. Fine! Date her! Who cares! Know what? Your taste on woman sucks!" binabaan ko sya ng phone.

Kung ide-date nya si A.M., bakit sa'kin nya pa sinasabi?!! Tatay ba ako ni A.M.?! Tss!

I looked up, it was starless sky like it will rain later.

I immediately get inside because there are only two things I hate in my life. My heart and the rain.

ö~ö~ö~ö

Kasalukuyang naghahapunan ang buong team ko.

"Hi Direk.." nakangiting bati sa'kin ni Ayen na kalalabas lang ng dinner area.

Dumiretso ako ng pasok sa loob at nakarinig ako ng mga tawanan. Hinanap ko kaagad si Dinelle sa loob at nakita kong malapit sya kay Glenn at Mr. Matthew.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero lumakad ako palapit sa kanya.

Napatingin sya sa akin na parang maiiyak na sya. Matapang si Dinelle, pero may mga pagkakataon talaga na ako ang lumalaban para sa kanya.

Binilisan ko pa ang mga hakbang pero biglang namatay ang mga ilaw.

ö~ö~ö~ö

Pabalik-balik ako ng lakad. Hindi ako mapakali dahil nawawala si Dinelle.

Nagdesisyon akong lumabas ng hotel pero napaurong ako ng magsimulang pumatak ang ulan.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon