Case 29.3 - Glittery Goodbye

1K 26 5
                                    

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

 

throbbingheart says: UWAAAA! I so much missed you all. *bows head* Apologies everyone. Na-delay ng sobra ang pinangako kong update dahil nagkaroon kami ng biglaang make-up classes. ( >3<) To compensate, DOUBLE update ako ngayon :) Ayie, this is my double birthday treat last July 25. Indulge everyone! Of all the Detective Cases previously, this one was very heavy.

Wholeheartedly dedicated to ColdFlamesPrincess for being the longest supporter of SLY. :)

Case 29.3

Glittery Goodbye

Justin's POV

Isang krimen ang naganap sa pagitan ng 3:10 hanggang 3:17 ng madaling araw, sa isang Night Club na parte ng Cruise Ship na kinabibilangan namin ni Suralvo.

I sat on one high chair near the counter.

Si Kisheena Alegre, dalawampu't anim na taong gulang. Natagpuang walang buhay sa lady's restroom. Isang tama sa pinakagitna ng noo ang naging dahilan ng pagkamatay niya.

Ang murder weapon na ginamit sa pagpaslang ay sinadyang iwan ng kriminal sa toilet. Pero kapansin-pansin ang silver glitters sa parteng hindi nakalubog sa tubig. Kumikintab ang hawakan ng baril. Isang matibay na ebidensya na nagkaroon ng contact ang killer kay Kisheena.

"Glitters.." I uttered as I was thinking what my next move will be.

Ayon kay Euric, ugali na ni Kisheena Alegre ang paggamit ng glittery perfume. Ang silver glitters na iyon ay makikita rin sa mukha at braso ni Euric. Ang sabi niya ay nagkaroon sila ng intimate contact bago namatay ang biktima. At kapani-paniwala ang alibi niya kaya masyadong mababaw kung tutuldukan ko ang konklusyon na maaaring siya nga ang killer.

I pinched my nose bridge, while I was looking down. "Shot in exact middle of her forehead.."

Isang propesyunal na tao. Isang taong sanay sa pagpatay lang ang makagagawa ng perpektong krimeng ito. Idagdag pang napatay niya ng saktong alas nuwebe ang mga CCTV.

"Letter in blood.." I stood up. "DEATH Organization." and smiled to nowhere.

Ayon kay Director Rishelle Alegre na siya palang nakatatandang kapatid ni Kisheena, may ipinakita sa kanyang sulat ang huli. Takot na takot ito, ngunit ipinagwalang-bahala iyon ni Director Rish. Sinabi daw niya sa kapatid, na wag nang intindihin iyon at magpakasaya na lang. Kaya naman lubos niyang sinisisi ang sarili dahil nagkamali siya.

I put my hands on my pocket.

Walang ipinadalang kahit na ano ang DEATH Organization sa akin. Samantalang dati, ay nagpapadala sila ng ebidensya para maituro ko ang kriminal. Sinusubukan kaya nila ako?

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon