20th Station

Depuis le début
                                    

" alah, asan phone ko? " matarantang saad ni Justin. Agad namang kinapa ni Justin yung bulsa ng shorts nya. Napatingin naman si Sejun at Ken sa kanya.

" saan mo ba nilapag? " tanong ni Sejun.

" di ko namalayan e " saad ni Justin at busy maghanap ng phone nya sa bag nya. Inangat na rin ng binata yung bag niya , di parin nya matandaan kung saan nalapag ang phone nya.

" Phone mo ata yun oh " saad ni Ken sabay turo sa phone na nasa likod ni Sejun.

Napatingin naman sila Justin at Sejun sa likod.

Agad namang kinuha ni Sejun yung phone ni Justin sa likod nya. Muntikan nya nang maupuan.

Kumalma naman si Justin at sinara ang bag nya.

" oh? " napatingin naman si Justin nang marinig nyang magsalita si Sejun.

" bakit? " tanong ni Justin at kinuha ang phone nya. Tinignan naman ni Justin yung nakita ni Sejun.

" uy, maganda dyan " sagot ni Sejun sabay nguso paturo sa phone ni Justin.

Nakita nya yung picture ng pinuntahang amusement park nila Micko, ng mga kaibigan nya.

" alam mo kung saan to? " tanong naman ni Justin at kinuha na bag nya.

" oo, malapit lang yan rito. Hmm, isang sakay lang " sagot naman ni Sejun.

Agad namang nabuhayan ang binata, at akmang aalis na.

Pero bumalik sya,

" salamat Sejun " sabay tapik sa balikat ni Sejun.

" bye Ken, una na ako " paalam nya kay Ken at tinanguan sya ni Ken.

" ingat Jah, " sagot nito kay Justin.








" oh? asan na si Jah? " tanong ni Stell nang makapasok ulit sa studio.

" umalis na " sagot ni Ken at siya naman itong may hawak na damit. Lumabas narin si Ken upang magpalit ng damit.

" umuwi na? " tanong ni Stell at nilapitan ang bag nya.

" oo, -ay di , may pupuntahan pa raw sya e " sagot ni Sejun habang nagpupunas ng salamin.

" Nauna na pala sya, kala ko sama sya satin e " saad naman ni Josh habang nag-aayos ng bag nya.

Biglang tumahimik ang paligid.
Kumuha naman ng mop si Stell, at tinulungang maglinis si Sejun.

Habang si Josh naman ay tinignan ang phone nya.

" saan daw punta si Jah? " biglang tanong ni Stell kay Sejun.

" Hmm, may nakita akong picture ng Amusement Park  doon sa phone nya e baka doon? " sagot naman ni Sejun.

Si Josh sa kabilang banda, narinig ang dalawa.

" talaga? " tanong ni Josh.

" oo, " saad ni Sejun at tinignan sya sa salamin.

" Saang Amusement Park? " tanong pa ni Josh kay Sejun.

Hinarap naman siya ni Sejun

" dyaan oh, yung malapit dito " paliwanag ni Sejun.

" bakit mo natanong Josh? " dagdag ni Sejun at binalik ang atensyon sa paglilinis ng salamin.

" susundan nya ata si Jah " saad naman ni Stell at natatawang tumingin kay Josh. Natawa naman si Sejun.

" baliw " saad ni Josh at napangiti.

" hindi kasi, nasa Amusement Park rin kapatid ko " paliwanag ni Josh at tinignan yung dalawang naglilinis sa harap niya.

" talaga? baka magkikita sila ni Jah " saad ni Sejun at nagkatinginan sila ni Stell. Sabay silang tumingin kay Josh, na parang may pinapahiwatig.

" oy hindi, may kasama kapatid ko " sagot ni Josh.

" baka malay mo, excuse lang yon noh? " saad ni Stell at tumingin kay Sejun.

" oo nga, palusot ganun " saad ni Sejun at nginitian si Stell.

" tapos magkikita pala sila ni Jah " saad ni Stell at huminto muna sa pagmomop.

" mga babae kasama ng kapatid ko, wag nga kayo " saad ni Josh.

" asuuuuus, eh bakit? paano kung si Justin at si bunso mo na? " tanong ni Stell habang hawak ang mop.

" oooohh " saad ni Sejun at napatingin kay Josh.

" bakit naman kayo ganyan mag-isip? magkaibigan lang yung dalawang yun " sagot ni Josh.

" hmm, baka kamo magka-ibigan " saad ni Sejun at natawa si Stell.

" bakit? ayaw mo kay Justin? gwapo, matangkad, matalino at mabait. " saad sa kanya ni Stell.

" mayaman pa , mapera " singit ni Sejun at natawa lamang sila.

Natawa si Josh sa nabanggit ni Sejun,

" baka nakakalimutan nyo na bawal yon? " biglang saad ni Josh.

" eh bakit? basta ako, boto ako kay Justin. " proud na sabi ni Stell.

" Justin ako, Justin " saad ni Sejun at nilapag na ang basahang hawak nya.

" hay ewan ko sa inyo " natatawang sambit ni Josh.

Bigla naman nang pumasok si Ken, nakahanda na ang tatlo. Dahil nga, kakain sila.

" oh ano na Ken? huwag mong sabihin sakin na nakatulog ka sa cr? nakapaglinis na kami't lahat-lahat rito " saad ni Stell kay Ken na parang nanenermon na nanay.

" sorry na, may kausap kasi ako sa phone bago ako nakapagbihis " sagot ni Ken at kinuha na bag nya.

" halika na nga, lika na " aya naman ni Sejun at lumabas na sila.

Sa kabilang dako, napapaisip si Josh sa mga nabanggit nila Stell.

Paano nga kung sila na?

Paano kung boyfriend na ng kapatid nya si Justin?

Agad namang umiling si Josh at inalis sa isip nya yun.

Sa halip, nagtext sya sa kapatid nya.

ingat ka pauwi ha pahatid ka sa bahay kapag ginabi ka na ng uwi
sent.

At tuluyan nang tinago ni Josh ang kanyang phone at naglakad kasamang ang tatlo.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant