Chapter 5: Ego

55 13 1
                                    

Flash back

"Hello? Jean? Nasan ka na ba? Kanina pa nagtatanong si Mommy kung nagkita na daw ba kami ni Luther. Di ko alam sasabihin ko kasi wala ka pang update." bungad ni Jena sakin ng sagutin ko ang tawag nya.

"Eto na. Papasok na ko. Sana kasi diniretso mo na lang si Mommy. Maiintindihan ka naman nya kasi paborito ka nya." kunwa'y pabirong sabi ko.

"Oy Jean ha. Hindi totoo yan." Jena said and I sigh.

"Nakita ko na yung sinasabi mong Luther. Sige na. Babalitaan na lang kita mamaya."I said saka pinatay yung tawag.

Pabuntong hiningang lumapit ako sa table itinuro ng waitress under the reservation of certain Luther Gomez.

Pagdating ko don ay isa ng lalaki ang naghihintay don. Nakaupo sya patalikod at nakaharap sa labas ng glass wall ng restaurant.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Oh my gosh... hihikain pa ata ako.

Muli akong napahugot ng hininga ng tumayo ako at nilapitan sya. Wearing my trade mark manang outfit ei nagawa kong tumikhim para kunin ang atensyon nya.

"Ehem."

Agad syang napalingon sa kinaroroonan ko at napakunot noo pagkuwa'y luminga pa muli.

Dapat sanay na ko sa ganitkng reaksyon pero ewan ko ba, habang tinitingnan ko sya ay nakaramdam ako ng kirot at inis. Kung para saan? Hindi ko din alam.

Nakabusangot na umupo ako sa katapat na upuan na ikinaalma nya.

"Miss, I dont want to sound rude but I am waiting for someone. Hindi ko rin kailangan nga pagpi preach mo about anything na may kinalaman sa bibble---"

"Excuse me?" gulat na tanong ko. Ganon ba ang itsura ko? Taga pagpalaganap ng magandang balita?

Maang na pinasadahan ko ng tingin ang kaubuuan ko and oo na. Nasagot ko na din ang tanong sa isip ko. Mukha nga akong ganon.

Nakakainis.

Ang sakit nya sa ego ko.

"Okay ka lang?" para naman akong may saltik kung tingnan nya ngayon. Tingnan mo tong taong to.

"Oo. Bakit?" mataray na tanong ko.

"Miss look---"

"No. Look mister. Ako yung inaantay mo. And to tell you frankly, sumipot ako dito para kumbinsihin kang itigil na ang kung ano mang kasunduan mayroon ang mga parents natin." he said.

Damn it.

"Baliw ka ba? Muka bang ikaw ang inaantay ko? I already saw Jena on the picture and surely, hindi sya kagaya mo----"

"Bastard. Kakambal nya ko. I am Jean and nakiusap sya sakin na kausapin ka."

Mataman nya kong tinitigan saka humalukipkip.

"Bakit ikaw ang kailangang mangumbinsi sakin? Hindi naman sa pagitan natin ang kasunduan na yon kundi sa amin ng kapatid mo. In the first place, bakit ikaw ang namdito at hindi sya?"

Nawalan ako ng imik dahil don. Oo nga naman. Hindi ako. Ang problema lang kasi ei nakiusap sakin si Jena.

"Masaya ang kapatid ko sa relasyon nya ngayon Mr. Gomez. At ayokong hadlangan yon ng isang pambatang kasunduan lang. Alam ko namang against ka din----"

"Sinong nagsabi? Maganda ang kapatid mo Jean. So hindi ko alam kung paanong nakarating sayo ang bali-balitang against ako dito."

So ako hindi maganda ganon? Arghhh!!! Umayos ka nga Jean. Magfocus ka!

"Pero kahit na. Okay lang sayo ang one sided relationship? Hindi magandang tingnan yon." naiirita ng sabi ko. Masyado na kong madaming nasabi at napapagod na din ako kakapaliwanag.. ayoko ng ganito.

"Okay lang. As long as makuha ko ang gusto ko."mayabang na sabi nya.

Napu-frustrate na tinanggal ko ang salamin ko saka sinabunutan ang magulo ko ng buhok. Ayst...Bakit nga ba ko ulit napasubo dito?

"Alam mo? Ewan ko sayo..Ang kulit mo. Nakakairita ka na. Bahala kang maghabol ng parang aso sa kakambal ko. Bwiset ka!" asik ko sa kanya saka padabog na tumayo.

Mga tao ngayon, the more na pinapakiusapan mo ng maayos, lalo lang hindi makaintindi.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nya habang pigil pigil ang braso ko.

"Aalis na ko. Bwiset ka. Ang hirap mo kausap." naiiritang sabi ko at akmang lalakad na palayo ng hilahin nya ko ng medyo may pwersa.

Napasinghap ako ng tuluyan akong bumagsak. Hindi sa sahig pero sa kandungan nya.

Oh my gosh!!!!

The moment na pumalibot sakin ang mga braso nya para masalo ako, yun din yung oras na nag iba yung karaniwan ng tibok ng puso ko. Akala ko cliche parts of stories lang pagsinassbi nilang tumitigil ang mundo at kumakabog ng husto ang puso because right now, this moment made me experience all those funny feelings.

Nanlalaki ang mga mata at awang ang mga labing napatitig ako sa kanya at ganon din sya sakin though the emotions on his face stated something that I can't even decipher.

Seryoso lang ang mukha nya habang nakatunghay sakin at inaamin ko na sa unang pagkakataon, nawalan ako ng opinyon sa sitwasyon.

"Ayy ano ba yan! Kikiligin na sana ako kung maganda lang yung babae."

"Oo nga. Di sila bagay."

"Ibang klase na talaga ang panahon ngayon no? Ang magaganda at gwapo ay ginawa na para sa mga pangit."

"Grabe ka naman. Malay mo para talaga balance."

Andun na ko sa kilig. Konti na lang lilipad na ko sa alapaap. Kaso narinig ko yung palitan ng pag uusap sa gilid namin. Saka ko naalala, wala nga pala akong karapatang mag assume. Nakalimutan ko na naman.

"S-sorry." dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya. Mataman lang syang nakatitig sakin at hindi nagsasabi ng kung ano kaya mas nakaramdam ako ng ilang at kaba sa paraan ng pagtingin nya.

"Kumain na muna tayo----"

"Ahh, hindi na. Salamat na lang. Nasabi ko naman na ang sadya ko. Na sayo na ang desisyon non. Ikaw na ang bahala and I hope Mr. Gomez-----"

"Alfred. Call.Me.Alfred." putol nya sa sasabihin ko.

"A-ano?"

"Tawagin mo kong Alfred. Masyadong pormal ang Mr. Gomez. Feeling ko si daddy ang kinakausap mo."

"O-okay. So yun nga A-Alfred..Ahmm ano...Pag isipan mo na lang ang sinasabi ko sayo.Yun lang at salamat." bago pa man sya makapagsalita ay dali-dali na kong umalis sa lugar na yon.

Ang sakit nya sa ego. Umpisa pa lang. At di man lang nya ko ipinagtanggol kanina---bakit nga ba nya ko ipagtatanggol? Sino lang ba ko?

Saka di naman ako maganda para ipagtanggol at pag aksayahan nya ng oras.

Ano ba yan. Nagseself pity na naman tuloy ako. Nakakainis!!!

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsOnde histórias criam vida. Descubra agora