Chapter 11: Focus

34 4 0
                                    

Pagod na pagod ako ng makauwi ako. Matapos kasi naming mag-usap ni Caira tungkol sa magiging bago kong trabaho, bumyahe na agad ako pauwi.

Napagalitan pa nga ako ng boss ko kasi bakit ko daw iniiwan ang mga anak ko ei dapat daw nasa kanila lang ang focus ko. Sila dapat ang priority which is true. I somehow ashamed myself bacause I can't tell the world that I am a mother of two... I was almost hiding them to everyone simply because I am afraid with the fact that I might lose them once Luther finds out.

Pero naisip ko, bakit nga ulit ako natatakot? It's not as if ako pa ang may atraso sa kanila. Afterall, hindi naman ako ang nagtaksil diba? Hindi naman ako ang nagtaboy sa sarili ko palayo sa kanila.

Bakit ba naman kasi kailangan pang magkrus muli ng mga landas naming dalawa? Sana nga lang talaga sya lang ang makita ko at hindi na ang mga taong hindi ko alam sa sarili ko kung kaya ko pa nga bang patawarin.

"Mommy?"

Mula sa pagkakatunghay sa mga anak kong panatag na natutulog ay naagaw ang atensyon ko ng pagtawag na iyon ng isa sa kambal ko na si Janus.

Pupungas pungas na bumangon sya at nagmamadaling lumapit sakin. Clingy as usual, nakayapos na naman sya at halos ayaw akong bitawan habang panay ang pagsinghot sa amoy ko.

One thing that also reminds me of his father's crazy antics before... damn it...

What? Masama na ba yung balikan? Alaala na nga lang ei ipagdadamot ko pa sa sarili ko.

"You're here. I knew it. I can smell you Mommy." he said na ikinatawa ko. Malakas ata masyado ang pagtawa ko kaya nagising na din si Lexis na mabilis na kumandong sakin pagkatapos humalik sa pisngi ko.

"I thought you'd be good for 3 days Mommy? What happened?" Lexis asked.

"I missed you two a lot... already. Can't stay there for 3 days without seeing you two." Malambing na sagot ko.

Agad na lumambitin sila sakin na akala mo ang gagaan nila.

"Argh!!! You just love us sooooooo much." mayabang na sabi ni Janus.

"Oh. How did you know? Am I too obvious?" I faked my shock.

Natawa lang sila pareho saka walang preno ng nagkwento ang madaldal kong anak na si Janus.

Dumating din si Xander at nakigulo pa nga sa kanila. Gulat na gulat pa sya ng makita ako at halos pilasin ang mukha ko sa pag-aakalang isa daw akong impostor.

Ang laking gago lang diba?

"Who wants to go to the mall tomorrow?" parinig na tanong mo Xands sa mga bata.

"Me." Bored na sagot ni Lexis.

"Meee!!! Me Dadda!!!" Bibo namang sabi ni Janus kaibang kaiba ng kay Lexis.

"Too loud Janus." naiinis na saway ni Lexis sa kanya.

"Too snob Lexis." gagad naman na pang-aasar ng isa. At maya maya pa nga ei tuloy tuloy na ang away ng dalawa na akala mo nagdedebate na.

Gigil na gigil na si Lexis while Janus ei halatang nagpa power tripping lang sa kakambal nya.

Agad naman silang sinaway ni Xander matapos kong pandilatan. Ang gago. Mukhang tuwang tuwa pa na nagsasabong sa salita ang kambal. Kung hindi ko pa pinandilatan ei hindi pa aawat.

"Anong plano mo?" tanong sakin ni Xander ng makahanap ng tyempo. Busy na kasi maglaro ang dalawa ei.

"Kung pwede lang kaming lumayo at magpunta sa ibang bansa ginawa ko na... ang kaso ayokong mag-aadjust na naman ang kambal. Mahihirapan na naman sila. Ayoko non."

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon