Chapter 12 : Incomplete

33 4 0
                                    

Alfred's POV

Hindi ko alam kung bakit wala ako sa sarili habang nagrerecord kami. Nakakailang take na kami dahil sa kapalpakan ko. Pero wala akong pakialam.

Mas worried ako sa reaction ni Jean sakin pagkatapos nyang matulala. And then the next thing I know, she's gone.

Again.

Nawala na naman sya ng walang paalam. Alam ko naman na nagpadalos dalos ako noon. Sobra akong nagpatangay sa selos ko sa kanila ni Xander at dahil nagseselos ako at galit at sadyang immature ng mga time na yon, gumawa ako ng bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli.

I kissed her twin sister.

At nakita nya yon.

Nagkamali ako. Oo alam ko. Anger and jealousy was all over my system that time. Alam nyang selos na selos ako kay Xander pero palagi pa din silang magkasama.

And that day, when I lost her... is the very same day that I was willing to commit to her officially. Magtatapat na sana ako pero nakita ko silang magkasama ng gago na yon and worst, niyakap pa sya at malambing na hinalikan sa noo.

Ganon ba yon? Yun ba yung magkaibigan lang?

Alam nyang pinag aawayan namin pero sama pa din sya ng sama. Hindi ba sya matunong umiwas? Para wala kaming problema???

So when she came with that bastard, I grabbed her sister and kissed her. Para maipakita ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko every time kasama nya ang taong pinagseselosan ko.

Para malaman nya ang pakiramdam ng nagseselos.

And because of that, I hurt her. Pero nasaktan din naman ako. That punch I got from that bastard got my senses back.

Pero hindi ko sya agad napuntahan dahil nagkaroon ng problema sa banda. Umalis si Caira.

Hindi naman ako ganon katagal nawala pero pagbalik ko, hindi na kami nagkita. Nawala na lang syang parang bula and that's when her parents told me na nakipagtanan sya kay Alexander.

Tangina.

Ganon na lang yon?

Bakit pa nya ko pinaasa na mahal nya ko kung makikipagtanan din pala sya sa tarantadong yon?

Bakit? Dahil mas matimbang ang hayop na yon kesa sakin dahil nauna silang naging magkaibigan?

Mas mahal nya ang hayop na iyon pero bakit? Bakit hinayaan nya may mangyari saming dalawa?

I got her first. I was her first and I perfectly know that. Kaya nga umasa ako ei. Umasa ako sa aming dalawa.

Pero anong ginawa nya?

Wala.

Ginagago nya ko.

At ako namang si tanga, hanggang ngayon umaasa pa din.

And after all these years nagkita ulit kami. I acted as if nothing happened between the two of us. Kunyari wala akong pakialam pero hindi ko naman maiwasang hindi sya titigan at bantayan sa tuwing may pagkakataon ako.

And fuck it...

Hanggang ngayon sila pa din ng gagong yon? Sila na matatag ng hayop na iyon.

"ALFRED!!!!!!!!!"

Pakiramdam ko nabingi ako sa matinis na sigaw ni Caira ng pangalan ko malapit sa tenga ko.

"ANO BA!? INAANO KO BA KAYO!?" galit na sabi ko sa gulat.

"Tangina mo. Lahat na kami tumatawag sayo nakatulala ka lang. Ano ba!? Nakaka sampung take na kayo hindi ka pa din nag iigi jan. Anong problema mo!?" kung galit ako, galit din si Caira.

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsWhere stories live. Discover now