Chapter 18: Accident

33 4 0
                                    

-Jean's POV-

"Alam mo ikaw, wala kang kakontentuhan. Para kang baliw jan. Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko kay Luther. Para kasi syang batang panay ang siksik sakin. Hindi ko tuloy alam kung nang aasar ba sya o naglalambing sya.

Busy akong mag-aral at heto sya sayang saya na istorbohin ako. Nakakainis. Napaka clingy pa nya. Panay ang dikit na akala mo naman ay tuta.

"Hindi mo kasi ako pinapansin." nakasimangot na sabi nya saka muling sumiksik sakin.

Parang tanga. Ang luwag luwag nitong bench ei.

"Pinapunta kita dito para makita kita tapos di mo naman ako bibigyan ng oras mo----"

"Siraulo ka ba? Baka nakakalimutan mo, hindi ako si Jena kaya hindi ko alam kung bakit ako ang pini peste mo ngayon." asik ko sa kanya. Deep inside, I felt that familiar pain habang binibitiwan ko ang mga salitang yun.

For a moment kasi of being with him, nakalimutan ko kung ano ba ako sa eksena nila.

Substitute nga lang pala ako.

" Nah, epal ka talaga. Panira ka ng moment ei no?" nakasimangot na marahan nyang pinukpok ang ulo ko.

Ang gago lang nya talaga.

"Isa Luther ha. Naiinis na talaga ako." I said na kunwari ay naiinis para maitago ang totoong kilig na nadarama ko."Ano bang trip mo sa buhay ngayon? Nakakain ka ba ng bulate at para kang bulateng inasinan jan. Ang clingy mo pa. Di ka na nakuntento na siksikin ako sa upuan... Gusto mo pa atang mahulog ako." dagdag ko pa.

"Gusto ko ngang mahulog ka. Pero dapat sakin. Saka we are talking of kakontentohan? Oh, well.... Hmmmm.... Sa yakap mo lang ako magiging kontento... But since you're still not hugging me back, I'm still not contented at all." sagot nya na ikinatigil ko.

Ano daw???

Sa yakap mo lang ako magiging kontento....

Sa yakap mo lang ako magiging kontento.....

Sa yakap mo lang ako magiging kontento.......

" Arghhh!!! Gago ka ba? Ang clingy mo na ang landi mo pa!!!" tili ko para maibalik sa normal ang utak ko.

Siraulo.

Ginugulo nya ang isip ko.

May exam ako bukas!!!!!!!!

"Aray!!! Hampas ka ng hampas jan. Hindi ako nagbibiro. Saka hindi ako malandi... Totoo yung sinabi ko!"

"Manahimik ka, gago!!"

"Nawalan ka na ng imik." untag sakin ni Alfred matapos ko magbalik tanaw sa nakaraan.

Napatingin akong bigla sa kanya. Pulang pula pa din ang mata at ilong nya dahil sa pag iyak. Aaminin ko, sobra akong tinamaan sa  mga sinabi nya.

Lungkot, sakit at awa ang sabay sabay kong naramdaman habang nago-open up sya sakin. Aaminin ko, akala ko nainsulto lang sya sa trato ng kambal sa kanya.... Hindi ko naisip noon na maaaring may mas malalim pa palang dahilan.

Ever since, Alfred's honesty was one of the thing na nagustuhan ko sa kanya. Kaya hindi na ako magtataka na inilalabas nya sakin lahat ito ngayon.

Ang hindi ko lang mapaniwalaan ay ang katotohanan na pati ako.... Kasama sa plano nyang bawiin...

Aasa ba ako? Kung oo, baka masaktan nya na naman ako... Baka this time hindi ko na kayanin... Kung hindi naman, susunod ba ang puso at utak ko?

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsOnde histórias criam vida. Descubra agora