Chapter 8

2K 73 6
                                    

Nang makarating ako sa bahay sinabihan ko yung driver na maghintay saglit. Di ko naman inaasahan na nandon yung tatlo sa sala masayang nag-uusap.

"Hindi ka umuwi kagabi"

"I'm with my friends"

"Omyghad is this the latest set of Gucci Dress?"

" Don't know"

" Mom i want it! "

" I'll buy you dear"

" No i want the one she's wearing" maarteng sabi nito . Napairap tuloy ako sa inis.

" Hindi to bagay sayo Orange. May nakalagay kase don for beautiful only ,eh hindi ka naman maganda mukhang hipon ka pa" pambabara ko.

" Nhuna!" sigaw sakin ni Dad.

" What? Honest lang ako ano ba! Easy" nginitian ko pa ito bago umakyat papuntang kwarto.

Kinuha ko lang yung bagahe at bag saka bumaba ulit. Nagtataka naman silang nakatingin sakin.

"Oh wag muna magdiwang babalik din ako " pagpapatama ko kay Orange at sa nanay niya.

Biglang sumama ang timpla ng mukha nito kaya tuloy lalong pumangit.

"Im doing my report so guys wag nyo muna ako mamiss bye" mayabang na wika ko at umalis. Tinulungan ako ni manong driver na ipasok sa compartment yung bagahe. Papasok nako sa kotse ng makita kong lumabas yung tatlo para habulin ako

"Let's go manong" pinaandar naman nito ang sasakyan tumingin ako sa likod nakita ko yung tatlong baboy damo. What a nice family.

Napansin ni manong ang masamang timpla ko kaya hindi na ito nagtanong. Nakatingin lang din sakin yung ibang kasambahay dito pero di ako nagsasalita. Tanghali na pala kaya bumaba muli siya para magluto.

Sakto naghahanda palang sila sa mga ingredients para sa lulutuin na ulam.

"Hindi pa luto ang ulam hija" ngiting sabi nito at sunod na hinugasan ang isda na nasa tabi nito.

"Okay lang po. Tutulong sana ako manang anong ulam po ba ang lulutuin nyo?" umupo ako sa may malapit sa kanila at pinagmamasdan ang ginagawa nila.

" Sinigang na bangus paborito ito ni Alexus kaya lang hindi siya madalas dito kumain palaging restaurant o take out ang kinakain niya" malungkot na paliwanag ni manang. Naawa tuloy ako pero duh mas mahal pa nga kinakain niya samantalang ako lutong karinderya lang pero masarap at mabubusog talaga.

" Then dadalhan ko po siya" suhestiyon ko.

Nagliwanag ang mukha nito at natutuwang tumingin sakin.
" Aba ay magandang ideya nga yan. Mabuti pa't dalhan mo ang batang 'yon nang makakain naman ng lutong bahay"

Actually marunong ako magluto namana ko yata sa mama ko. Heh hindi kasarapan pero pwede na. Ako na ang nag marunong sa pagluluto. Tinutulungan lang nila ako ng konti pero ako na talaga ang nagluto.

Hinihintay ko ang reaction nilang lahat sa luto ko. Natahimik silang lahat kaya napasimangot ako. Dapat pala hindi nako nagluto.

"Ang sarap" biglang sabi ni Ella. Napatingin ako dito lahat na sila ay nakangiti.

Alexus TemptationWhere stories live. Discover now