Chapter 12

1.3K 38 2
                                    

UNEXPECTED na pumunta kami ngayon sa Baguio. Akala ko mag hapon ako mababagot sa opisina. Pagkarating namin sa opisina deretso rooftop kami dahil naghihintay na pala 'yong helicopter na sasakyan namin papunta don. Hindi ko tuloy napaghandaan ang isusuot ko. Suot ko ang bago kong dress kase akala ko sa opisina lang . Hindi naman kase kami nainform. Malamig sa Baguio this season. Alexus decided to held a meeting there so that he could see one of his investor's farm.

Busy sila sa pag-uusap habang ako ay takam na takam na sa strawberries na nakikita ko. Fresh na fresh at mukhang masasarap. Sana lang ay bago kami umalis dito may free strawberry man lang para naman sulit.

Mabuti nalang prepared si Alexus. Nakapag palit ako ng damit na binigay nito pagkababa namin. Hindi na ako gaano nilalamig. Ang laki ng plantation ng strawberries dito sa La Trinidad.

Naglalaway tuloy ako gusto ko kumain ng strawberries. "Gusto mo ba kumuha?" nilingon ko ang matandang babae na nagsalita sa may likod ko.

"Hindi po" pagtanggi ko. Ayoko nga baka mapahamak pa 'ko.

"H'wag ka na mahiya. Libre nalang 'to para sayo" nakangiti na sabi nito. Napalunok naman akk sa offer nito. Pero pag pumayag ako baka mawalan pa 'to ng trabaho.

" Pero po baka mapagalitan ka" nag-aalalang sabi ko. H'wag ganoon manang baka matakam ako at hindi na makatanggi sa offer mo.

" Hindi 'yan iha maniwala ka sakin" aniya.

I smiled bago umiling. Ayoko talaga saka wala akong dalang pera. Nakay Alexus pa ang pera ko. Wala ako maibabayad dito pag nagkahulihan na.

Tumalikod ito saka naglakad palayo. Nakita ko naman na namimitas na ito kaya pinanood ko nalang. Ayoko nga mangialam baka mapagbintangan pa ako. I raised my eyebrow ng makita papalapit na ito saakin. Inabot ang dalang basket na puno ng strawberry.

"Tanggapin mo na iha. Ako nalang ang magbabayad niyan"

"Nako nakakahiya po. Pag dating po ng kasama ko babayaran ko po"

Umiling ito " hindi na kailangan. Tara sa may gripong 'yon hugasan natin para makain na rin"

" Salamat po" nahihiya pa rin na sabi ko. Tango lang ang sinagot nito at sinunod ko naman. Magkatulong kami sa paghuhugas ng strawberry para mapadali. Maya maya ay iniwan ako nito at pumasok sa munting kubo. Pagbalik nito may dala na itong yogurt at honey.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo ilagay dyan pero masarap itong pareho"

"hala di ka na po sana nag-abala" napakamot ako sa ulo. Masyado naman yatang mabait ito para sa kagaya kong di naman niya kilala.

" Hindi naman sasarap 'yan kung walang kapares hindi ba? " nakangiti na ani nito.

" Tama po kayo" tumango tango ako. Sumenyas ito na sundan ko siya. Kaya sumunod ako rito habang dala ang basket. Papunta ito sa maliit na kubo na pinuntahan nito kanina. Pinaupo ako nito sa upuan na gawa sa kahoy. Inilapag ko naman ang dala ko sa mesa na gawa rin sa kahoy.

"Salamat po sa pagkain" sabi ko at nagsimula na lantakan ang strawberry. Natutuwa naman akong nakinig sa kwento ni nanay.

Ilang taon na pala siya dito at gamay na rin nito ang plantation. Minsan daw ay tumutulong ito sa asawa nito magtanim. Kahit medyo matanda na si manang malakas pa rin.

"Nakakatuwa naman po. So dito po kayo nagkakilala?"

"Oo iha maraming kwento ang naubo dito. Ang dami naming memories ng asawa ko sa kubong ito"

"Nasan po ang mga anak n'yo? "

" Nasa ibang bansa. Dumadalaw lang dito pag bakasyon"

" So kayo lang po at asawa n'yo ang nandito? "

Umiling ito " Kasama namin ang apo ko. Wala ito ngayon dahil nasa bayan para mamili"

"Darling? "

" Oh tapos na kayo darling ko? "

" Tapos na kami Darling. Nakakatuwa at nagustuhan ng batang 'to ang ating farm"

" Ganoon din ang nobya nito. Mukhang paborito ang strawberry"

" Asawa n'yo po? " Tanong ko kahit obvious naman.

" Oo siya ang Darling ko" masayang pakilala nito. Kahit na matanda na 'to makikita mo pa rin ang pagmamahalan nila.

When naman makakahanap ng ganiyan. Anong dasal ang ginamit niya, want ko rin itry.

"Marami ang pwedeng pasyalan n'yo dito. Mahaba pa naman ang araw mapupuntahan n'yo pa ito" suhestiyon nito.

Na excite tuloy ako sa sinabi nito. Minsan nalang ako mag walwal why not ngayon diba?.

"Alexus" pagtawag ko rito. Nag puppy eyes pa ko para lang magmukhang cute.

"Fine" labag sa loob na pagpayag nito. Halos mapasuntok ako sa hangin sa sobrang tuwa.

"Lola" napukaw ang atensyon namin sa bagong dating.

Hindi ko mapigilan na hindi mamangha. Nakakaakit ang chinitong mata at gummy smile nito.

"Lucas apo mabuti andito ka na. Sasamahan natin ang ating mga bisita  sa Wright Park. "

Kahit nakikinig ito sa lola nito nakatuon lang ang tingin nito saakin.

"Im Lucas,you are?"

"Nhuna"

"Nice to meet you Nhuna" kumindat pa ito.

"Matigil ka Lucas" pagsuway dito ng matanda na bahagya kong ikinagaway.

"Lola naman nakikipagkilala lang. Saka ayaw mo nun?baka magkajowa pa 'ko"kamot batok na sabi nito.

Napangiwi nalang ako sa sinabi nito. Nangangamoy playboy ang lalaking 'to. Sabay sabay kaming naglakad palabas. May mga kotse na nakaparada sa labas at hula ko para kay Alexus 'yong isa.

"Sabay ka na samin"

Di pa ako nakasagot ay bigla nalang akong hinila ni Alexus papasok sa isang sasakyan.Muntik pa nga ako matumba sa kagagawan niya.

"Alam mo ang bastos mo" sigaw ko dito ng makapasok ito.

"What?" nagsalubong ang kilay nito.

"Ba't ka ba nanghihila?alam mo naman may kausap pa ako."

"Don't talk to him" aniya.

" H'wag mo akong diktahan" angil ko.

" That guy is flirting you."he said in serious tone.

" Eh ano naman,atleast magkakajowa na 'ko" sabi ko pa. Aga aga gusto agad mangontra sa pagkakaroon ko ng love life.

"You know that i hate sharing" napakalamig ng boses nito. "I hate seeing you flirting with another man. You can flirt but only to me, understand?"

" No i can —" napatalon ako sa gulat ng tumaas ang toni ng boses nito.

" Don't you dare to disobey me Kassandra." Matigas na sabi nito na ikinatigil ko. Gusto ko pa sana sumagot pero nakita ko ang nakakatakot at nanlilisik nitong mga mata na nakatingin saakin. At saka tinawag niya ako sa second name ko. Galit nga yata sakin.

Napatango nalang ako sa sobrang kaba.

___
:>

Alexus TemptationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang