Chapter 17

1K 45 3
                                    

HANGGANG sa umuwi kami ganoon pa rin ang naging trato sakin ni Alexus. Nandito lang ako sa may labas ng opisina niya. Nasa pwesto ako ngayon ng kaniyang secretary. Wala naman akong alam sa ganito. Nanonood lang ako ng Kdrama sa computer dito.

"Hey,where is Alexus?" napaangat ako ng tingin. Napataas ako ng kilay. Gaya ba 'to ng napapanood ko sa teleserye?. Isa ba 'to sa babae ni Alexus?

"Office?" ani ko habang nakataas kilay.

"He's not there" mahinhin na sabi nito. Tiningnan ko ang kabuoan ng babae. Hindi naman ito mukhang mataray at typical na clown girl sa telenobela.

"Uh sorry, may meeting pa si sir. Kung gusto n'yo po maghintay sa office niya okay lang po" nahihiya na sabi ko. Ang sama ng pagkakasagot ko sa kaniya kanina.

" I'll wait here nalang." tinanguhan ko ito saka nagbalik sa panonood.

"Bago ka lang?" she asked. Tumango ulit ako bilang pagsagot.

"I'm Senika, Alexus fiancee" sml.

"I'm Nhuna personal assistant niya" pakilala ko rin. Ngumiti ito at tumango.

Ilang minuto lang ay nakarinig na kami ng mga yabag at ingay galing sa conference room. Pinagmasdan ko ang bawat kilos ni Senika. Mula sa pagtayo nito at pagyakap sa boyfriend ko. Boyfriend mo nga ba Nhuna.

Nakatingin lang ako sa magkayap na Alexus at Senika sa harap ko. Nagtama ang mga mata namin ni Alexus pero agad din itong umiwas. Ouch.

"Coffee sir?"

"No,Senika don't like coffee. Just tea or juice" sagot ni Alexus sa secretary nito. Tumayo ako at sumingit sa usapan nila.

" Ah, ako nalang kukuha sa baba" i volunteer. Nag-aalinlangan pa si Mr. Secretary kapangkwan ay tumango na rin.

Nagmamadali akong umalis sa floor na 'yon. Pagpasok ko sa elevator doon ko pinakawalan ang panghihina ko.

Bakit pa siya nag confessed kung may fiancee na pala 'to?. Pinaglalaruan niya ba ako. Am i joke to him?.

Agad kong inalis ang hilam na luha na pumatak na pala. Umayos ako ng tayo at nag panggap na ayos lang. Taas noo akong pumunta sa cafeteria. Walang gana na tinimpla ko ang kape at tsaa. I add more coffee powder para mas mapait. Dinala ko na ulit 'yon sa taas. Binigay ko iyon kay Mr. Secretary para siya na ang magbigay sa loob.

Inabala ko na rin ang sarili ko. Wala naman naging utos maghapon. Hindi sila lumalabas sa opisina. Nag lunch ako kanina ng mag-isa. Mukhang uuwi rin ako ng mag-isa ah. Pasado alas kwarto. Tumayo na ako at ready na sa pag-alis. Bumukas na rin ang pinto ng opisina ni Alexus. Tuloy tuloy lang silang nag-uusap . Para bang hindi kami nage'exist sa palagid. Masama ang loob na pumasok ako sa ibang elevator. Ganiyan pala ang gusto niya edi sige.

Pumunta ako sa isang samgyeopsal. Kailangan ko ng soju ngayon,para sa babaeng naging free trial lang. Sana pala nag premium ako para naman medyo matagal.

Pumunta ako sa may dulo at doon naupo. "Soju nga tatlo" sabi ko kay ateng nagseserve.

Binigyan naman ako nito. Agad ko iyon ininom at bumakas ang pait ng kahapon. Ang soju ay naging tubig ko lang. Iinom ako hanggang sa malasing.

"Broken ka ba?" sabi ng bagong dating at naki-upo pa sa may sakin.

He was smiling at me. Nakita ko ang maganda nitong dimple at nawawalang mata. "May nakikita ka pa ba?"

"Meron pa naman,bakit?" takang tanong nito.

" Hwag ka nga ngumiti nawawala mata mo"

Tumawa ito bago marealized kung ba't ko siya tinanong. Ang pogi talaga ng koreanong 'to.

"Ang panget mo pala mabroken" nakikuha ito sa inihaw kong karne kanina. Pati soju ko ininom rin.

"Kung uubusin mo lang ang pulutan at alak ko. Umalis ka nalang,gusto ko mapag-isa" mapait akong ngumiti dito.

" Kahapon nilalandi mo pa ako,tapos ngayon ang sungit mo. Iba talaga ang epekto ng pagiging broken" kantyaw nito. Sumang-ayon naman ako. Tama siya,hindi naman ako magpapakalasing kung hindi ako naktan.

"Eh gago kasi mas mabilis pa ako sa free trial" gigil na sabi ko. " Maganda naman ako diba?"

Hindi ito sumagot sa tanong ko. Kasabay ng pagpikit ko ang luhang kanina pa nagbabadya. Minsan na nga lang mainlove sa may fiancee pa.

" Sabihin mong maganda ako o papatayin kita" pagbabata ko. Nakatutok pa dito ang hawak kong chopsticks ready na panaksak sa leeg niya.

" Sabihin mong maganda ako" panggaya nito. Binato ko ng hilaw na karne. Nakailag naman agad ito.

"Panget mo kabonding" singhal ko. He just shrugged.

" Tell me your rants,makikinig ako" sabi nito na ikinabuhay ng dugo ko. Wala naman akong ibang kaibigan na pwedeng masabihan ng kwento. Luckily nandito si Samuel. Nagsimula ako sa pagkwento. Simula sa pagiging reporter ko hanggang sa dulo.

Nag-order pa ito ng ilang bote ng soju para saming dalawa. " Kanina ko lang nakilala" sabi ko. " That's why im here. Sa bar dapat ako pupunta pero masyadong maingay. "

"What if ikaw si Alexus, mamahalin mo ba ako pang premium?" pumipikit pikit pa yan. Sabi nila paglasing nakakalimot. Gago mamatay na nagsabi nun. Hindi ako nakalimot,mas lalo ko pang natandaan. Nawawala sa katinuan my ass.

"Siguro,pero hindi ako si Alexus e." pabalang na sagot nito.

" Nasira na naman ang tiwala ko sa mga lalaki." nadidismaya na sabi ko.
" pag may babaeng nagmahal sayo,hwag mong lolokohin"  ani ko.

"Ok captain" he smirked. Kinuha ko ang nag-iisang may laman na soju at ininom 'yon.

"G-gusto ko ng umuwi" sabi ko. Tumingin ako sa labas madilim na at kitang kita ko ang mga naglalakad pauwi.

"Hatid na kita" presinta nito. Umiling ako. Nahihilo lang ako pero klaro pa rin ang pag-iisip.

"Wala na akong pamilyang uuwian. Ayoko naman bumalik sa bahay ni Alexus. How pity of me naghahanap ng masisilungan" natatawang naiiyak na sabi ko. Muntik na ko matumba mabuti mabilis itong kasama ko para alalayan ako. "Dito nalang ako" bumalik ako sa pagkakaupo ko. Wala na akong lakas para maglakad. Pakiramdam ko anumang oras duduwal ang lupa para kunin ako.

"You can stay at my condo" mahinahon na sabi nito. Napangiti ako at naiyak. May mabait pa pala sa mundo.

"Thank you" the last word i said bago mawalan ng malay.

___

Alexus TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon