Chapter 7

1.8K 58 0
                                    

Kanina pa ko humaharot sa lalaking ito. Gwapo siya at halatang mayaman pero di ko type. Nakikipagsabayan lang ako para di boring ang gabi. Kanina parin nito hinihimas ang hita ko libog na libog na ang gago.

Nilapit ko ang mukha ko dito napangisi ito sa ginawa ko. Lumapit din siya para halikan ako bigla kong tumagilid kaya tumama yun sa pisngi ko.

"I gotta go" paalam ko at umalis sa table nila. Walang lingon na bumalik ako sa table namin ako nalang mag-isa malamang may ka molmol na ang mga gaga.



Ininom ko ang mga alak na naiwan sa may mesa namin. Hard drinks yun pinag tyagaan ko na libre naman. Ilang shots palang ay nakaramdam nako ng pagkahilo. Punyeta habang tumatanda bumababa anv tolerance ko sa alak. Nanlalabo man ang paningin sinikap ko parin hanapin ang malandi konh kaibigan.  Mas lalo siyang nahihilo sa sayawan sa paligid niya.



"Aray ko na punyeta" sigaw ko ng matapakan paa ko. Inis na tinulak ko yung babae at pasimple na umalis. Napangisi pa ako ng makita ko na inaaway na nito yung babae na nasa likod nito bigla tuloy nawala tama ng alak sakin.



"Happy?" Pagtanong ng boses lalaki sa may likuran ko. Hindi ko ito tiningnan kase abala ako sa panunuod ng away.




"Yes" mayabang na sagot ko.



"Weird" he said again.



"I know right, tatanga tanga din kase sila kasalanan ko ba?" tumatawang sabi ko.



"You fucking amused me" sabi naman nito. Napangisi ako ng makahulugan. I found my toy tonight..


"Thanks" handa na akong landiin ito kaya pumihit ako paharap dito. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang lalaking 'yon.



"Alexus" pagsambit ko sa pangalan nito. Ngumiti ito at hinapit ang bewang ko.



"Hmm yes... Lady" nakakahilo ang bango ng mint nito. Ang sarap sarap tuloy halikan. Napatitig lang ako sa labi nito at nangingimi na tikman iyon.




Napa angat ang sulok ng labi nito ng makita niyang nakatingin ako sa labi niya. I want to taste it!



"I want to taste it" naliliyong ani ko at di inaalis ang tingin sa labi nito. Hinigit ko ang leeg nito at mariin na hinalikan. Kinagat kagat ko pa ang lower lip nito sa pang gigil . Nang maubusan ako ng hangin saka lang ako huminto sa paghalik at hinihingal na tumingin sa lalaking ito.



"Nasusuka ako" sabi ko napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong parang bumaliktad. Inalalayan ako nito makapunta sa woman's Cr. Nag sarili ako dun habang naiwan ito sa labas. Parang lalabas na lahat ng laman ng tyan niya sa pagsuka ganon din yung ibang babae dun na sobra na ang pagkalasing. Naghilamos ako at nagmumog. Nilabas ko pa yung mouth wash na palaging nasa pouch or anything na bag na dala ko. Ayaw ko sa may mabahong hininga madali akong mahilo baka masukahan ko pa sila sa harap nila e.



"You okay?" nakasandal ito sa may pader. Umayos lang ito ng tayo ng makita akong papalabas.



"Hmm" tumango siya dito. Pasuray parin ako maglakad nainis na siguro to kaya ayon binuhat nako. Malanding nilingkis ko naman ang braso ko sa may leeg niya at inamoy amoy ang mabango at halatang branded na pabango nito



"Kidnapping to" lasing na sabi ko ng ipasok ako nito sa loob ng sasakyan nito.



"No. Kusa kang sumama sakin" pagdepensa nito.




" Ay oo nga pala" i giggled at kinurot ang braso nitong napakatigas. Napanguso pa ako ng mukhang hindi man lang ito nasaktan.




Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog ako sa kotse nito. Nagising nalang ako kinabukasan nasa ibang bahay na ko at iba narin ang suot ko.




Bumungad nalang sakin ang yaya daw ni Alexus. Binigyan ako nito ng damit at gamot saka tubig. Nasa baba daw yung pagkain. Malaki yung bahay niya. Dalawang palapag simple at masasabing mansyon. Puro glass wall ang nakikita ko. Pati sa kwarto na tinulugan ko kanina ang laki laki ng bintana na papuntang balcony. Napaka manly naman ng kwarto nito masasabi ko talaga na sa kaniya ito dahil may malaking picture ba naman ni Alexus sa may uluhan ng kama. At may dalawang painting dun isang cruise ship at puno. May picture din sa lamesa na nasa tabi ng kama. Kinuha ko yon at pinagmasdan.




"Ah yan si Alexus napaka gwapong bata ano?" tiningnan ko si manang na busy sa pagligpit ng kama. Tumango ako bilang pagsang-ayon.



"Ikaw ba'y girlfriend ng batang 'yon"



Mabilis akong umiling " Hindi po we're not friends either. Just a mere PA lang po"




" Sa tingin ko may gusto saiyo ang batang 'yon" sabi pa nito



" Manang impossible po ilang araw ko pa nga lang po siya nakikita e. Saka hindi niya po ako kilala at hindi ko din po siya kilala" paliwanag ko. Masyadong malabo ang sinasabi nito.



Nakangiti nalang itong umalid at ako naligo na. Namangha pa ako sa laki ng cr nito. Yayamanin ang peg sanaol. Nakakahiya tuloy umapak sa maputi nitong tiles. Para tuloy ako ang magbibigay ng bacteria don.



Ninamnam ko ang sarap ng tubig sa shower. Bahala na kung mataas ang bayaran nito sa tubig e mayaman naman ito. Saka nga lang ako umalis ng makarandam nako ng gutom.




Simple white dress na above the knee branded pota galing Gucci. Yung undergarments na gamit ko ngayon ay Victoria's secret pa. Nagmumukha tuloy akong mayaman.



Lumabas na ako para maghanap ng pagkain sa baba. Nandon si manang may kasama na itong dalawang babae.



"Ito nga pala si Ella anak ko" turo nito sa babaeng mukhang underage pa. "At ito si Selia "




"Hello!" masiglang bati ko. Ginamit ko na naman ang ugali ko sa pagiging reporter.




"Hello ate!" masaya din bati sakin nung anak ni Manang.



"Ganda, girlfriend ka ni sir pogi?" tanong naman nung babae medyo maedad siya sakin around 40 plus na yata to e





" Ah hindi po" nahihiyang wika ko. Ano ba!bat sa kupal pa na 'yon no never!





" Weh? Pusta ako kayo magkakatuluyan" ayaw parin papigil nito.



Pumunta ako bigla sa may wooden cabinet at nagtoktok ng tatlong beses. "Wag naman po sana jusko"



"Ay" napatawa ang mga ito sa naging reaction niya. Pinaupo na nila ako para kumain binigay narin nila ang pagkain ko. Inalok ko sila pero tumanggi kase nauna na daw sila kanina pa.

Bumalik muli ako sa kwarto pagkatapos para hanapin yung pouch ko. Kinuha ko dun yung selpon at binuksan. Nakita ko agad ang text ni Alexus.

"Get your things." yun lang pero naunawaan ko na. Pagkalabas ko nakita ko yung driver nakangiti ito sakin.

"Hatid ko na kayo maam" magalang na sabi nito. Tumango ako at nagpasalamat. Pati kotse nito mamahalin hindi ko lang alam kung anong tatak. Wala akong hilig sa sasakyan though gusto ko bumili pero wala pa akong pera.

___________

Alexus TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon