Chapter 23

950 33 2
                                    

       This chapter is dedicated to;
                     MaeAnn144

NAKASILIP lang ako sa labas ng restaurant na pagkikitaan namin ni Jed. Hinintay ko lang talaga na mauna siya ng ilang minuto bago ako dadating.

I already changed my clothes. Gaya na rin ng sinabi ni Veron. Dapat ipakita ko na hindi rin ako affected sa fiancee ni Alexus.

"Hmm pwede na" puri ni Veron habang pinapasadahan ng tingin si Jed na walang malay na may nagmamasid na pala sa kaniya.

"You can bed him if you want. He's a whore i bet kakagat agad yon sa pang aakit mo" sabi ko.

" Gwapo siya pero hindi ko type. Sa lagay palang nito alam ko ng lampa" nakangusong sabi nito.

Sumang ayon ako. Mukha talaga itong lampa.

"I have to go. I'll visit nalang if makalusot"

Kinuha ko na ang shoulder bag na binigay nito kanina. Pati na rin dress na binili nito para daw sa date ko.

Pumasok ako sa loob at agad naman niya akong napansin. Kumaway ito kaya ngumiti ako.

"Sorry,kanina ka pa?" nahihiyang tanong ko.

"No, i just arrived." inihila ako nito ng upuan "You look good today."

"Today lang?" pagbiro ko.

Ngumiti ito ng matamis "Nah,you look good everyday. But this is the first time you agreed to meet me"

" Birthday mo e kung hindi mo birthday di ako sisipot" mahina siyang tumawa.

He looked amused "Sana araw araw birthday ko nalang"

"Baliw" mahina ko itong hinampas. Natutuwa naman itong tumingin sa akin.

Nag order lang ito ng food. Nag kwekwento lang ito tungkol sa buhay niya but im not interested. Ibang buhay ang gusto kong malaman.

"Iyong pinsan mo?" Tanong ko.

"How about her?"

"Matagal na ba sila ng fiancee niya?. They look good together. Mukhang inlove silang dalawa"

Tumango ito  " My cousin love him so much. Akala ko nga di na matutuloy because they broke up."

" Ahm. Ba't sila naghiwalay?. Like mahal pala nila ang isa't isa? " usisa ko pa.

Mabuti hindi ito nakakahalata na isa akong spy na kokontrabida sa pag ibig ng pinsan nito.

" My cousin leave him to pursue her dreams. Now, bumalik ito para kay Alexus" balewalang sabi nito.

" Hmm" wala na akong naisagot. Wala pala talaga akong laban?. If they love each other walang wala nako.

" You look bothered. May problema ba? " tumitig ito sa akin at hinuhuli ang tingin ko.

" Wala... Wala naman.. Bat ang aga mo nga pala ako pinapunta?. Mamaya pa party mo diba? " pag iiba ko ng topic.

" Gusto kitang ma solo."

Napayuko ako sa hiya. "Hindi naman kailangan—"

"I'll take this opportunity to asked you." tumikhim ito. " Cassy pwede ba manligaw?"

Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Hindi ko ito mapagbibigyan dahil naka reserve na ako kay Alexus.

"Hindi mo kailangan sagutin ngayon. I will wait for your answer." malumanay na sabi nito.

Naiilang na pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Malapit na palang mag alas otso. Siguro doon na rin ang deretso ko.

_

Alexus TemptationWhere stories live. Discover now