Wallet

2.2K 65 0
                                    

Chapter 2

Ang tagal niyang humanap ng tyempo para makapasok sa pesteng kompanya na ito. Ngunit talagang matigas at mahigpit ang mga security palagi siyang nagkikilala. Kaya napagpasiyahan nalang niya umuwi at babalik nalang kinabukasan para mangulit muli.

Pagod siyang umuwi sa bahay ng kaniyang ama. Mag titiis na naman siya sa sermon ng kaniyang step mother at ang pag plastic sa kaniya ng step sister niya. Umay na umay na ako sa ganito hindi ba sila nagsasawa kase ako sawang sawa na sa ginagawa nila.

"Nhuna" tumigil siya saglit para sulyapan ito. Nakita niya ang kaniyang biological father na walang ginawa kundi punain ang pagkakamali niya. Yes may kaya sila may business ito na galing sa pera ng kaniyang yumaong ina. Di man lang nito nirespeto si mommy dahil pagkatapos ng libing nito may dinala na itong bagong babae na siyang naging nanay nanayan niya. Galit na galit siya dito ngunit anong magagawa niya ng panahon na 'yon?. Kung aalis siya san naman siya titira at anong buhay ang maghihintay sa kaniya. Sa kalsada siya pupulutin pag nagkataon kaya naman tiniis nalang niya ang ugali ng mga ito.

"Yes,father?" labag man sa puso niyang tawagin itong father ay ginawa nalang niya ayaw na naman niya makipag-away dito.

"What's wrong with you again? You always ruined my reputation. Pagiging reporter na nga lang ang alam mo palpak pa" napairap ako sa sinabi nito. I wonder sino na naman ang nagsumbong edi sino pa ang magaling niyang step sister na ubod ng panget.

"Sorry father" gusto ko din sigawan ito ng 'pake mo ba?' mas pinili ko nalang matahimik. Napagawi ang tingin ko kay Orange. Nakangisi ito sa kaniya. Hmpp two faced bitch .

Galit siyang tumalikod at di nalang pinansin ang pagsigaw sa kaniya ng kaniyang ama. Kahit anong sabi nito na bumalik ako kase hindi pa kami tapos mag-usap neknek niya hindi ako babalik.

Inisip nalang niya ang paraan kung pano niya mababalik sa lalaking 'yon ang wallet na hawak niya. Dahil kase dito nawala yung bag niyang second hand,yung napkin niya na nag-iisa nalang,at yung phone niya na nasira niya hindi pa niya napapalitan dahil wala pa nga siyang sweldo. Kahit mayaman ang pamilya niya hindi siya nito binibigyan ng pera. Oo pagkain pero sa ibang bagay palaging si Orange ang palaging napapaboran.

Tiningnan niya muli ang wallet ng lalaking 'yon at pinagmasdan. Kung hindi niya ito ibabalik pwede niya pa mabenta yung wallet pero hindi siya patutulugin ng konsensya.

"Ang gwapo mo naman" papuri ko sa picture nito. Bagaman seryoso ay napakagwapo parin nito.  Napasimangot siya ng maalala na hindi pala niya natawagan si Miguel ang kaniyang long time boyfriend. Nagtratrabaho ito sa kompanya ng kaniyang ama bilang president. Siya dapat ang nasa pwesto na 'yon dahil wala siyang hilig sa business ito nalang ang ipinalit niya.

Bukas na bukas sisingilin ko ang lalaking 'yon. Ha! Bibili ako ng bagong phone. Tiningnan niya lang ang larawan ng lalaking 'yon hanggang sa nakatulugan na niya.

KINABUKASAN sobrang aga niyang umalis para lang pumunta sa company ni Mr. Alexus. Para walang mga empleyado ang sisita sa kaniya.

Para siyang magnanakaw sa suot niya pulos itim. Nagsuot din siya ng mask at hat to cover her pretty face. Nakita niyang dumating na si manong guard. Naglakad lakad ito na parang may hinahanap kaya kinuha na niya ang pagkakataon na 'yon para makapasok. Hindi naman nito napansin ang pagpasok niya kaya nagtuloy tuloy na siya. Pinili rin niya ang elevator na nasa may pinakadulo incased para hindi nito mapansin na papasok siya sa loob. Isang floor lang ang pupuntahan nito which is the last floor. Nang bumukas 'yon halos malula siya sa ganda ng interior design nito. Halos namagha siya sa chandelier at red carpet na nagkalad sa loob. Napansin niya sa corner nun ay ang opisina ng secretary nito at may isang glass door na may nakalagay na pangalan ni Alexus Pavios [Ceo] mabilis siyang pumasok sa loob ng marinig niya ang ingay na paparating. Nagtago siya sa may gilid ng sofa nito.

"Boss you're bit early today" napapikit siya. Mukhang dumating na ang taong hinihintay niya.

"Can't sleep." His cold baritone voice make her shiver. Napakasarap pakinggan ng boses nito.

"Kukuha lang ako ng almusal mo boss" wala na siyang muling narinig pa. Mukhang nakaalis na ang taong 'yon.

"Stop hiding,lady" seryoso ngunit mapanganib na wika nito. Nanigas ako sa sandali iyon. Alam nito na nandon siya? How come?may powers ba ito?

"Ah hehe" tumayo siya sa pinagtataguan niya. Hindi man lang ito tumingin sa kaniya expected na nito na doon siya nagtago. Ngayon kinikilabutan na siya may powers nga siguro ang lalaking ito.

"Why are you here?" seryoso itong nakatingin sa kanila. Napalunok naman ako. Bat kase ang lalim nito makatingin.

"Iyong wallet mo kasi" nanuyo ang lalamunan niya.

" snatcher took it " balewala na sabi nito.So ganon lanh 'yon?

" Ah nasakin yung wallet mo " kinakabahan na wika ko huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang sasabihin ko "Don't get me wrong na snatch din yung bag ko. I mean nakuha ko nga yung wallet mo kay mamang snatcher pero yung bag ko naman ang nakuha"

" So?" Aba hinayupak sana hindi ko nalang sinauli.

" Ibabalik ko lang sayo. Since kahapon pa ako nagpapabalik balik dito. Kumuha na ako ng pamasahe sa wallet mo. Saka bayaran mo yung  phone ko na nanakaw." inabot niya dito ang wallet . Kinuha naman ito ni Alexus tiningnan ang loob at binigay sa kaniya lahat ng perang papel na nakapaloob sa wallet.

"Is this enough?" pinakita nito ang hawak na pera sa kamay nito. Tumango ako sobra  pa nga yon e.

" Yes. Alis na ako yan lang talaga ang pinunta ko dito. Saka next time ingatan mo yan wallet mo. Nakita ko yung black card dyan. Importante 'yon diba?sige bye salamat dito" naging madaldal na naman siya. Kumakaway pa siya habang papalabas sa opisina nito. Gusto kong pumalakpak dahil sa kapal at lakas ng loob niya. Iba talaga ang presensya ng lalaking 'yon nakakapanghina ng tuhod gosh!....

Tinaasan niya ng kilay ang babaeng nasa front desk na nagtaboy sa kaniya kahapon. Taas nuo siyang naglakad palabas maski si manong guard ay nagulat ng makita siya.

"No need to huli huli me. Aalis na ako bye!" tumatawang aniya saka tumakbo palabas. Syempre natutuwa siya ikaw ba naman magkaroon ng instant pera di ka matutuwa?

_______

8-9-20

Alexus TemptationWhere stories live. Discover now