Chapter 5

1.9K 64 2
                                    

"Tinitingin mo dyan?" nakataas kilay na tanong ko kay Orange. Ang sama ng tingin nito sakin.

"Bitch" sabi nito.

Exaggerated na tinakpan ko ang magkabila kong tenga "Oh!slut paulit-ulit mo sinasabi yan. Di ka ba nagsasawa sabihin sarili mo nyan?. Omaygosh isama mo narin nanay mo. Oh btw sayo na si Miguel tutal bagay kayo, losers!" walang preno na sabi ko at iniwan si Orange.

Baka masabunutan pa ko halimaw pa naman. Nag book na ako kaya naman dumating agad yung taxi. Tahimik ang byahe hanggang sa makarating ulit sa kanilang opisina.

Busy lahat dahil may bagong pasok na balita yung naganap na pagsabog sa may Pavios Mall. I like thrill kung sakin yun na assign malamang tuwang tuwa nako sa pag-iimbestiga. Pero heto ako ngayon nakamukmok sa may desk dahil nga iba yung na assign sakin.

Kinuha ko yung folder na naglalaman ng assignment ko. Walang gana ko yun binasa. Ito din yung na assign kay Orange eh? At wala silang napala kase masyadong mailap ang lalaking 'yon. This is bullshit masyado naman yata nakakaboring ang napunta sakin. Tiningnan ko ulit yung huling pahina. Nalalag dun yung sobre binuksan ko iyon at binasa.

Name: Alexus Pavios Ceo
Company: Pavios Enterprise

Yun lang? Bagot na sabi ko sa. Natigilan ako saglit at muling binasa iyon.

Alexus i murmured his name.  Damn is this faith or what? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?. Iiwas na nga ko e pero ito pa? What the fuck talaga Nhuna!.

Tumayo ako at pumasok sa opisina ng chief namin. Nakaupo ito at nakatutok sa laptop. Tumingin lang ito sakin ng mapansin nito ako.

"Oh what brings you here Nhuna?" Umayos ito ng upo at nakangiting tumingin sakin.

"Sir pwede po ba magpalit ng assign? I think I can't do this po kase" walang paligoy na sabi ko. Ayaw ko talaga nito. Ano nalang sasabihin ng lalaking yun? Na hahabol habol ako no... Im nog like that!!! Hello nasa modernong panahon na ngayon uso ang pre-marital sex.

"Oh about Mr. Alexus?"

" Yes sir..." tumango ako.

" Yes you can. But to tell you frankly Nhuna,marami ang may gusto ng report na ito especially yung babaeng co reporter mo." paliwanag nito. Halos mapairap ako,yun naman pala e maraming mat gusto ng report na to bat sakin binigay ha?

" Then ibigay nyo po sa kanila"

" Is that what you want?" paninigurado pa nito.

" Yes po?" desedido nako. Kaya nakailang tango ako dito.

"I heard gusto mo maging news anchor right?" napanting iyon sa pandinig ko

"Err yes po?"

" Binasa mo ba ang nakalagay sa folder?"

" Yes " kabado na sagot ko na medyo guilty oo binasa ko pero hindi ko inunawa

"Hindi mo inintindi"

" Err" napapahiya na siya.

" May promotion yun. Dahil ayaw mo ibigay nalang natin sa iba"

Natigilan ako kinuha na nito yung folder na hawak ko" Teka lang sir" muling hinahatak pabalik yung folder

" Any problem?" nakangiti na ito at mukhang nag eenjoy sa reaction niya.

" I think i can do it na po" nahihiya na sagot ko. Binitiwan na nito ang pagkakahawak sa folder.

"Okay you say so.."  tumatawang sabi nito. Pinagtatawanan niya ko? Gaga ko din kase.

Nagpaalam na ako dito at tulala parin sa may desk. Bukas ko nalang siguro sisumulan. Gusto kong mapaiyak gusto ko ng promotion pero ayaw ko makita siya muli. Base narin sa narinig ko kay Orange ang hirap nitong matyempohan. Pag makikita mo ito pag nalaman na reporter ka ipagtatabuyan ka paalis.

Naririnig ko lang naman 'yon sa tuwing magyayabang si Orange sa nanay niyang higad. Magkaiba kami ng kompanya na pinapasukan at magkalaban rin kami sa posisyon dito sa bahay. Sa lahat ng bagay magkalaban kami.Pati sa Miguel na 'yon.

Tiningnan ko yung phone ko na nakalagay sa may mesa ng tumunog iyon. Agad kong tiningnan kung sino 'yon.

From: Labbss
Let's meet at Co Cafe

Hindi ko ito nireplayan pero naghanda ako para sa malakas na sampal ko sa kaniya mamaya. Nag retouch narin ako at mas lalo kong pinapula ang labi ko. Nilakad ko lang yun dahil sobrang lapit lang sa kompanya namin. Nakita ko agad siya nakaupo sa may pinakagilid.

Hindi ako bumati sa kaniya naupo nalang. Tumingin ito sakin at ngumiti gaya ng ngiti niya sakin dati na akala mo ay napakaamo demonyo pala ang gago. Tinaasan ko ito ng kilay at hindi man lang nag-abala mag-order ng kape.

"Kailangan mo?" walang kwenta na tanong ko. Nakasimangot pa habang nakatingin sa panget nitong mukha.

"How are you? Bumalik ako kagabi para tingnan ka" malumanay na sabi nito. Para itong santo sa sobrang bait ng boses potangina malala pa ito kay sanatanas e.

"Oh talaga?" nang-aasar na tanong ko. Nakita ko ang mabilis na pagpalit ng mood nito pero natakpan ulit ng isang matamis na ngiti.

" Yes pero wala ka na" nanghihinayang na sabi nito. Hinawakan nito ang kamay ko nakapatong sa may mesa. Napapasong inalis ko iyon at nandidiring tiningnan siya.

" Oo at wala na rin tayo. Let's break up"

"Nhuna!" mukhang hindi nito inaasahan ang sasabihin niya. Ano ine expect niya? Ipagpapatulot ko relasyon namin at ako yung magiging kabet uy wag nalang.

"What? Hindi ako bobo Miguel kahit pinainom nyo ako ng punyetang aphrodisiac na yan alam ko ang nangyari ng gabing 'yon" puno ng galit ang boses ko ngayon. At sinadya kong lakasan. Pakialam ko kung marinig ng iba? Hindi naman ako ang mapapahiya sino ba ang gumawa ng kasalanan ha?.

" Lower your voice love" nahihiya itong tumingin sa paligid. Napaangat ng konti ang labi ko sa pangisi sa isang iglap tumutulo na ang luha ko.

" Wag mo ko ma love love dyan. Matapos mo mangabit ang kapal mo din e noh?" sigaw ko. Gulat ang bumadya sa mata nito. Hindi ito mapakali sa ginagawa niya.

"Ipagpapalit mo na nga lang ako sa mukhang hipon pa"  nanglalait pa na sumbat ko. Binigyan ko ito ng mag-asawang sampal.

Walang umawat samin nakatingin lang lahat. Naawa sila sakin habang nanghuhusga na tumingin kay Miguel.

Inabutan ako ng tissue ng isang babae sa may gilid ko. Umiiyak parin na lumabas ako ng cafe. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse na hindi ko alam kung kanino biglang nawala ang pag-iyak ko at napalitan ng isang matamis na ngisi.

"Nice show" 

Gulat na napahawak ako sa may dibdib ko "Potangina" napamura ako ng makita ang lalaking katabi ko na ngayon. "Ikaw?"

"Hmm nice to see you again,lady"

__________

Alexus TemptationWhere stories live. Discover now