Chapter 36: One-sided Love.

966 29 9
                                    

| KYLA'S POV |

Andito na kami sa sasakyan. Si Neil yung nagddrive. Nasa front seat ako nakaupo. Tahimik pa din silang lahat.

"Nasa state of shock pa din kayo.." Pagbasag ko sa katahimikan.

"Kyla.." Sabi ni Akira

"Mmm?"

"Anong nangyayari? I mean, Si Andrew at Mica, Anong ibig sabihin nun?"

"Hindi ko din alam." Mahina kong sabi, napatingin lang ako sa bintana.

Dapat masaya ako ngayon eh, tapos na exams tapos summer vacation na.

Naiinis ako, Alam kong wala naman akong karapatan na mainis kasi una sa lahat hindi naman kami ni Andrew. Ni hindi nga niya ako gusto eh. Pero kasi.. Kung ano mang meron sila ni Mica, Sabihin niya sa akin. Hindi yung sweet siya sa akin tapos malalaman ko na lang na biglang may something na sila si Mica. Ano ba naman un?

Oo, Nasasaktan ako.  (╥﹏╥) Nagseselos. Naguguluhan. Ewan ko. Pano pa mamaya kapag nakita ko na silang magkasama?

"Kyla, Wag mo na isipin yun. Malay mo nagkabati lang sila tapos alam mo yun, Bestfriends na ulit sila katulad ng dati." Sabi ni Sabrina.

"Siguro.." Sabi ko.

"Okay! Wag na tayong malungkot. Andito tayo para magcelebrate dba?" Sigaw ni Gab

"Tama! Tama!" -Sam 〷◠‿◠〷

*******************************************************************

- Akira's House -

6:09pm.

Nandito na kami sa bahay nila Akira, Sa entertainment room nila. Nakaupo lang kami. Inaantay lang namin na mahain yung pagkain.

"Guys, Gutom na ba kayo? Wait lang ha? Naghahain pa kasi eh." Sabi ni Akira

"Hindi pa naman kami Gutom noh!" Sabi ni Sabrina.

Maya maya lang bumukas yung pinto ng entertainment room.

"Akira, Andito na sila Andrew at Mica." Sabi ni Nana Tessie.

"Sige po, Papasukin niyo na lang po."

Pagpasok nila Andrew at Mica, Tahimik na naman kaming lahat. Walang nagsasalita. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa habang pumapasok sila. (•__•)

Si Mica, Nakakapit sa braso ni Andrew..

"Hello Everyone!" Bati ni Mica

"Upo muna kayo." Pagyayaya ni Akira.

Umupo sina Andrew at Mica sa upuan sa tapat ko.

"Kumusta na Akira?" Tanong ni Mica.

"Uh, Okay naman kami. Hmmm. Hindi ko na ata kailangan ipakilala sila noh? Kilala mo na sila." -Akira

"Oo naman!"

Halatang iwas silang lahat kay Mica. Si Sabrina, Nagce-cellphone, Sina Neil, Gab at Sam, Nagxxbox.

"Uhm, Guys! Akala ko ba Party to? Bakit wala kayong ginagawa?! Like, Kantahan?  Or inuman or something?!" Sabi ni Mica

"Uh, Balak kasi namin. Kakain muna tayo ng dinner." Sabi ni Akira.

Napatingin ako kay Andrew. Poker Face. Ang hirap talaga basahin ng mga facial expressions niya. Tsss.

Biglang tumayo si Andrew sa kinauupuan niya tapos lumapit kina Gab. Nakisali rin sa pag-xxbox.

"Inuman tayo mamaya!! Hahaha!" Sigaw ko sabay tawa. (‐^▽^‐)

Napatingin silang lahat sa akin, Gulat na gulat. Hindi ata nila ineexpect na magyayaya ako ng inuman.

STAR 7 ★ (Complete)Where stories live. Discover now