Chapter 21: Back to reality

1K 31 2
                                    

| KYLA'S POV |

Haaaay. Nakakatamad. Eto na. Nafefeel ko na talagang back to reality na kami. Kasi last week, foundation week, walang klase. Eh ngayon? Halos lahat ata ng subject may project. Ano ba yun! Ang dami ko pang plates na gagawin tapos next next week, finals na!

Wow, hindi ko man lang namalayan na ilang buwan na ako dito sa Choisi University. Parang dati lang, hirap na hirap ako maghanap ng school.

Eto ako ngayon, naglalakad papuntang SP galing sa architecture building. Pffft. Tanghaling tapat. Nakakaantok.

"Hi Kyla!"

"Kyla! Good Afternoon!"

Bati sa akin nung mga students.

Naghehello at nag good afternoon din ako sa kanila.

"Kylaaaaa!!" May narinig ako na sumigaw. Kaya lumingon ako para tignan kung sino. Si Akira pala. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"Oh, Akira, Saan ka galing?"

"Galing ako sa Arts building. Pinasa ko lang yung mga designs ko"

(A/N: Hello readers! Gusto ko lang ipaalam na si Akira ay isang Fashion design student. Hihihi.)

"Ikaw?" Tanong niya sa akin.

"Galing ako archi building."

"Ahhh. Haaay! Grabe no? Kakastress mga school works!"

"Oo nga eh!"

Umupo muna kami sa bench na malapit dito sa enchanted tree.

"Hi Akira, Hi Kyla!" Bati nung ibang students.

Tapos may dumaan na tatlong students sa harap namin ni Akira.

"Hay Nako, mga pasikat, hindi ko nga alam kung bakit may ganyan pa dito sa university." Sabi nung isang babae.

"Oo nga eh, hindi ko rin alam kung bakit may privileges pa silang nakukuha. So unfair!" Sabi pa nung isa.

"Alam mo girl, dapat talaga tanggalin na yang special class na yan eh. Hindi porket matalino, may special treatment na!" Sigaw nung babae na para bang pinariringan niya kami ni Akira.

Tapos ay lumagpas na rin sila sa amin habang nagtatawanan.

Lumingon ako kay Akira, nakatingin lang siya sa mga nagpapractice ng sayaw, sa mga naghahabulan.

"Kyla, gusto kong mag iingat ka parati."

"Ha? Bakit naman?" Ang weird naman ni Akira ngayon.

"Eh kasi.. Alam mo.. Hindi lahat ng students dito sa university, gusto o hinahangaan ang STAR 7. May mga ibang tao na ayaw sa atin. May mga taong naninirang puri, mga taong naiingit sa mga privilege na natatanggap natin. Alam mo un? We cannot please everybody."

Sabagay, katulad nung mga dumaan kanina na halata namang ayaw sa amin.

"Naalala ko dati, nung first year palang kami, kami parin nila Andrew ang members ng STAR 7 that time, tas si Megumi, yung isang member namin na nagmigrate. Ayun, merong nagtangkang gumulpi kay Gab, merong nagtangkang bagsakan ng vase sa ulo si Sabrina. Mabuti na lang talaga, God is good kaya napipigilan agad yung mga ganong incident"

"Ayoko lang na may mangyari ulit na ganon, Kyla" Sabi ni Akira tapos tumingin siya sa akin.

"Ang weird ko ngayon no? Wala lang. Naalala ko lang kasi yung mga ganon. Hahaha!"

Mukha namang nagaalala lang talaga si Akira sa mga pwedeng mangyari. Hindi ko rin siya masisisi kasi sa tagal ng pinagsamahan nilang anim, para na silang magkakapatid.

STAR 7 ★ (Complete)Where stories live. Discover now