Chapter 8: Lost friendship

1.1K 32 1
                                    

| KYLA'S POV |

Andito ako ngayon sa SP (School's paradise) Ako palang ang tao kasi nasa klase silang lahat. Ginagawa ko nalang yung mga plates na kailangan kong ipasa. Haaaay. Ang loner ko naman dito. Miss ko na sila Jelly, Kae at Mica...

Bigla ko na namang naalala si Mica. Itext ko kaya siya?

- - -

To: Mica 

Mica, Nasaan ka? Magkita naman tayo sa may enchanted tree.

- - -

(A/N: Ang enchanted tree ay isang malaking malaki at malagong puno na matatagpuan sa gitna ng quadrangle ng university.)

Bzzzt Bzzzzt.

- - -

From: Mica

Sige.

- - -

Ang cold naman ng reply niya.

*******************************************************

Pumunta na ko sa enchanted tree. Habang dumadaan ako sa hallway, nakatingin sa akin yung mga estudyante.

"Good Afternoon Kyla!" Bati nung ibang mga students sa akin.

Weird! Kilala nila ako? Baka dahil iba ang uniform ko? Suot ko na kasi ngayon yung uniform ng STAR 7. 

Pagdating ko sa enchanted tree, nakita kong nakaupo sa bench si Mica.

"Mica!" Masaya kong bati sa kanya.

"Hi." Matipid niyang sagot. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin nung nag-hi siya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad akong umupo ako sa tabi niya..

Silence...

Nakatingin lang kami sa mga estudyante sa quadrangle. Yung iba nagpa-practice ng sayaw, nagppractice ng kung ano ano. May mga nagkekwentuhan, may mga naghahabulan at nag haharutan.

"Ang daya mo." Sabi sa akin ni Mica.

Hala! Paano ako naging madaya?

"Huh? Pano ako naging madaya,Mica?" Tanong ko.

"Diba sinabi ko sayo na gusto kong mapasama sa STAR 7?! Pero bakit ikaw ang napasama?!" Galit niyang sabi.

"Mica, hindi ko din naman ine-expect na makakasama ako sa STAR 7." Paliwanang ko.

"Bakit mo ginalingan?! Akala ko ba kaibigan kita?!" Sigaw niya ulit. Kitang kita sa mga mata niya ang galit. 

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon