Chapter 44: Against the Odds.

965 25 4
                                    

WARNING: Mayroon itong mahabang author's note. XD Hahaha!

1st agenda: Bago ang lahat, Gusto ko munang i-introduce ang bago kong book dito sa wattpad. Entitled "Anong Masasabi Mo?" Actually, Hindi siya kwento eh, Para siyang in a form of blog, Kahit anong topic ang gusto niyo, Name it!  Pwede natin pag-usapan yan! Mehehe, Try niyo lang basahin. :3 Kung trip niyo. =)))

2nd agenda: Oo nga pala, Naalala ko, Mayroon akong limang readers na nagmessage. Yung dalawa dati pa yun, yung dalawa nung isang araw, At yung isa, ngayon, Bago ko to isulat. (Hindi ko na babanggitin kung sino, Pero magkakaiba silang tao XD) Nagrerequest sila ng bed scene O____O Seriously, Hindi ko pa po alam kung pano isulat yun. Hahaha! Saka na siguro, Pagmejo nasa dulo na tayo ng kwento :P Okaykay? Pero ano sa tingin niyo? Lalagyan ko ba to ng bed scene? T___T I need your help readers!! Please comment below po. Lalagyan ng bed scene o hindi?

YUN LANG :)) Thank you Readers! Enjoy po! \:D/

Osya, Simulan na natin ang Chapter 44 ng STAR 7 \:D/ Yeyey! =))

*******************************************************************

| ANDREW'S POV |

Sunday Morning. Haaay, Salamat naman. Makakapagpahinga rin sa school works. Tsss. Halos ilang weeks pa lang nung nagsimula yung classes, Busy na agad kami. Graduating kasi eh. Tsk.

"Anak, Oo nga pala, Hindi ko pa nababanggit sayo na dadating mamayang gabi ang lola at ate mo from France."

"Si Lola at Si Ate, Uuwi dito?" Grabe, Halos mag-pipitong taon na nung huli ko silang nakita, Nagkakausap lang kami sa phone minsan.

"Nako! Dadating na naman dito ang lola mong napakasungit." Sabi ni dad

Naalala ko dati nung bata pa ako, Madalas ako lokohin nila dad at ate na nagmana daw ako sa kasungitan ni Lola.

"Parang laging nasa menopausal stage yang lola mo eh, Ano?" Loko talaga tong si dad, Yun nga palang lola kong yun, sa side yun ni mama. Bale, Mama yun ni Mama.

"Hahaha! Oo nga eh."

"Oh basta ha, May dinner tayo mamaya."

Dinner? Hmm, Isama ko kaya si Kyla, Para mameet ni dad tsaka nila ate.

"Dad, Isasama ko girlfriend ko mamaya."

Muntik na mabuga ni dad yung iniinom niyang kape. Nagulat ata sa sinabi ko. Hahaha.

"Andrew!! Seryoso ka ba?"

"Oo naman dad, Muka ba akong nagbibiro?"

"Oo! Aba! Ngayon ka lang nagpakilala ng babae dito sa bahay, Nakakagulat!"

"Tsss. Dad talaga."

"Sino ba yang girlfriend mo? Don't tell me si Mica yan ha. Nag-usap na tayo tungkol dyan!"

"Hindi si Mica! Si Kyla."

"Hmmm, Kyla, Kaklase mo?"

"Kasama ko sa STAR 7."

"Oh? Wow! Great! Sige, Isama mo siya mamaya."

"Yes dad."

Pagkatapos namin magkwentuhan ni dad, Nagbihis na rin ako, Pupuntahan ko na lang si Kyla.

*******************************************************************

| KYLA'S POV |

Waaaah!! Eto na! Last plate na to!! \m/ Fighting Kyla!! Hihihi, Etong last plate na ginagawa ko ngayon, Sabi ng prof namin, Gagawa daw kami ng bahay, Bahala kami sa design. Ang title 'What you see in the future'. Hihihi, Naiimagine ko tuloy yung dream house ko. :3 Kami pa rin kaya ni Andrew sa future? Kasi kung oo, Gusto ko katulad nitong dinodrawing ko yung magiging bahay namin. Hihihi :">

STAR 7 ★ (Complete)Where stories live. Discover now