Chapter 33: Hay Buhay, Parang Life.

975 29 4
                                    

| CHARLES' POV |

 

"Mr. President, kanina ka pa tulala dyan!" Sabi ni Hannah.

"Ha?"

"Sabi ko, Kanina ka pa tulala dyan, Ano ba yang iniisip mo?"

"Wala naman." Sabi ko tas ngumiti lang ako sa kanya.

Lumabas muna ako ng Office of the Student Council.

Tsk. Iniisip ko pa din yung video na napanuod ko kanina.

| Flashback |

 

May mga students na nagkukumpulan dun sa tapat ng main building. Karamihan puro babae. Puro tilian lang at daldalan naririnig ko. Ano bang meron dun?

 

"OMG Girl! Trulaloo ba yan?"

 

"Eh ano pa nga ba?"

 

"Andrew!!! Whyyy?!?!" Sigaw pa nung isang babae.

 

"Lagot sakin yang si Kyla!!!"

 

Kyla? Bakit? Anong nangyari? Lumapit ako dun sa mga tao.

 

"Excuse me, Anong nangyayari dito?"

 

"Nako, Mr. Pres! Dito ka pala, Oh well, Wala naman, Etong video kasi na to eh."

 

Iniabot niya sa akin yung cellphone niya tapos plinay ko ung video.

 

Sa video nakita ko si Kyla na umiiyak, Kausap niya si Neil. Mejo malabo at malayo yung kuha pero halata namang sila Kyla yun.

 

Maya maya dumating si Andrew. Tapos bigla siyang niyakap ni Kyla. Ha? Ano to? Bakit niyakap ni Kyla si Andrew?

 

Tapos nag usap si Andrew at Kyla, Maya maya lang biglang hinalikan ni Andrew si Kyla sa noo.

 

Anong ibig sabihin nito? Sila na ba?

 

"Sinong kumuha ng video na to?" Tanong ko dun sa babaeng nagpahiram nung cellphone.

 

"Kami." May tinuro pa siyang isa pang babae. "Last week namin kinuha yang video na yan. We heard kasi na aalis si Andrew for 1 month, Kaya nung araw ng flight niya, Pumunta kami sa airport. Tapos yan ang naabutan namin." Sabi pa nung babae sabay umirap.

 

| End of Flashback |

 

Gusto kong makausap si Kyla. Gusto kong itanong kung anong ibig sabihin nun. Wala na ba talaga akong pag asa?

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon