Chapter 19: Roller Coaster and Haunted House

1.1K 33 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello readers! Dinededicate ko tong chapter na to kay ate meili_dyaaaan! Yaaaay! Pag may time kayo, Basahin nyo ung story niya na "One of a Kind-Doctor" By the way, sana maenjoy niyo tong chapter na to! Ciao!

********************************************************************************

| KYLA'S POV |

 

Wahahaha!! Natatawa talaga ako! Kanina pa nagtatalo si Akira at Gab tungkol sa kung sinong mas magaling umacting. Minsan naisip ko sa sobrang close nitong dalawang to, baka sila pa ang magkatuluyan.

Yes! 3rd day ng foundation week. At so far so good! Ang saya talaga nung mga nakaraang araw. Maraming students ang nagpaparticipate sa mga contest. Kahapon nga nanuod kami ng mga play sa auditorium eh. Ang galing ng mga students! Hahaha! Tapos sumakay kami kahapon sa Ferris wheel. Hindi naman ganong nakakatakot. Saya nga eh!!

Pero mamaya! Ang usapan namin nila Akira, roller coaster naman ang sasakyan namin. Di kami nakasakay kahapon kasi ang haba ng pila. Sobraaaa! Hihihi. Pero excited na ko mamaya.

"Guys!" Sigaw ni Sam.

"Oh bakit, Sam?" Tanong ni Gab.

"Baka hindi ako makasama sa usapan natin mamaya. Pinatawag kasi ako ni Director eh. May ipapasikaso daw siya"

"Hala! Sayang naman, Sam!" Sabi ko.

"Babawi na lang ako bukas! Osya. Mauna na ko." Sabi ni Sam tas lumabas na siya ng SP.

**********************************************************************

"Uy! STAR 7 oh!" -Student 1

"Ganda talaga ng uniform nila!!!" -Student 2

"Astig! Magkakasama sila oh!" -Student 3

"Andrew!! Omg. Ang gwapo mo!" -Student 4

Grabe. Naglalakad kami ngayon nila Akira. Pinagtitinginan kami ng mga tao. This is so awrkward. Hindi ako sanay. Pfft. Papunta na kasi kami sa rides. Ahahahhaha!! So excited!!

"Uy! Partner ko si Akira ah!" Sigaw ni Gab.

"Ayoko nga!" Sabi ni Akira sabay hampas kay Gab

"Hoy! Nasasanay ka na kakahampas sa akin! Bigat bigat ng kamay mo!"

"Sus. Nilalambing lang kita!" Sabi ni Akira habang kinukurot niya yung magkabilang pisngi ni Gab.

"Yan! Dyan nagsisimula yan!" Sabi ni Sabrina habang tumatawa.

"Next thing we know kayo na. Hahaha!" Sabi ni Neil.

"Yuck! Kadiri!" Sabay na sabi ni Gab at Akira.

"Yiiiiieeeeee!" Neil, Sab at Ako

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon